Paghihiwalay 50

1198 Words

Pagbaba ng barko ay agad akong sumakay para magpahatid sa aking bahay na inuupahan, dadaan muna ako roon para kuhanin ang ilang mga gamit ko. Mamayang gabi na lang ako pupunta sa bahay namin. Baka kapag ngayong araw ay nandoon nakabantay ang mga tauhan ni Ambit. Sure akong galit na galit ito dahil walang bumalik isa sa mga tauhan nito. Ang masama pa'y hindi nasunod ang balak nitong pumirma sina inay para mabili nila ang lupa namin. Anong dahilan mo Ambit Dragly? At gustong-gusto mo ang lupa namin. Dumaan muna ako sa bayan para kumain dahil nagugutom na ako. Agad akong pumasok sa loob ng restaurant at pagkatapos ay nag-order ng makakain ko. Ngunit nabigla ako sa taong basta na lamang naupo sa bakanting upuan. At pagtingin ko sa mukha nito ay nakapaloob doon ang galit at pagkaasar sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD