Mayamaya pa'y bigla akong napatingin sa taong papasok dito sa loob ng sabungan. Walang iba kundi si Ambit Dragly. Alam kong bago matapos ang linggong ito ay maghihimas na ito ng malamig na bakal sa kulungan. Umaayon yata sa akin ang pagkakataon nang sa misong tabi ko pa talaga ito naupo. Tumingin pa nga siya sa akin. Nagulat pa ako ang kausapin niya ako. "Ikaw lang ang babae rito. Hindi ka ba natatakot? Ang lakas ng loob mong pumunta sa ganitong lugar," saad niya sa akin. Tumawa muna ako sa sinabi nito. "Ano naman kung babae ako. Saka kailangan ko ng pera ngayon, ito lamang ang tanging paraan para may makain ko," sagot ko sa lalaki. At pasimple ko ring hinawakan ang aking hikaw para makita ni boss ang lahat nang mga nangyayri rito sa loob. "Gusto mo ba ng pera?" tanong niya sa akin. "

