Kinabukasan ay nagising akong parang may nakatitig sa akin habang pagtulog ako. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ang gwapong mukha ni Frank ang nabungaran ko. Hinawi pa nga nito ang buhok ko na nakatabing sa aking mukha. Hinalikan pa ako sa aking labi. Peste! Dahil hindi pa naman ako nagsisipilyo. Kaya marahan ko siyang itinulak. "Alam kong may nais kang sabihin sa akin. Sabihin mo na at makikinig ako sa 'yo," saad ni Frank. Napakagat labi tuloy ako. Ito na ba ang oras para ipagtapat ko kay Frank kung ano ang aking trabaho? Paano kung sabihin niyang umalis ako sa pagiging agent ko? Bahala na nga! "F-Frank! Ano...kasi..." tila may nakabara sa aking lalamunan. "Ohhh! Bakit nauutal ka?" nagtatakang tanong sa akin ni Frank. "Ganito kasi iyon. " Napakagat labi mun

