Pumasok na ako sa kabahayan at muling itinago ang hawak kong susi. Pagkatapos ay nagbihis ako ng isang lumang kasuutan. Naglagay rin ako ng salamin sa mata. Nilagyan ko rin ng kaunting itim ang mukha ko para hindi ako makilala ng mga taong makakasalamuha ko sa daan. Kinuha ko rin ang lagi kong dalang sandata at inilagay ito sa aking likuran. Pagkatapos ay maingat akong lumabas ng bahay namin. Nilock ko muna ang gate bago ako tuluyang lumabas. Narinig kong tumunog ang cellphone, baka si Basty na ang tumatawag. Hindi nga ako nagkamali. Agad ko naman sinagot para makausap ko ito. Sinabi nitong naroon na ito sa lugar na kung saan kami magkikita. Hindi naman kami matagal nag-usap. Nagmamadali na rin ang mga hakban ko papunta sa bayan. Malayo pa lang ako ay nakikita ko na itong nakatigil at

