"Fankkkkk!" "Honey!" nagising ako sa boses na tumawag sa akin. Kaya agad akong napamulat ng mga mata. Nakita ko ang gwapong mukha ni Frank habang may pag-aalala sa akin nito. "Frank! Bumalik ka? Nandito ka na ulit? Hindi ka sumama sa babaeng iyon?" sunod-sunod na tanong ko sa lalaki. "Ha! Hindi naman ako umalis honey. Saka hindi pa ako umaalis mamaya pa. Sinong babae ang sasamahan ko?" nagtatakang tanong sa akin ni Frank. Hindi muna ako nagsalita. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Peste! Panaginip lang pala. Akala ko'y totoo na ang lahat. "Ayos ka lang ba honey. Kanina ka pa umuungol. Tapos tinatawag mo ang pangalan ko," may pag-aalalang sabi nito. "Akala ko'y totoo na iniwan mo ako at sumama sa ibang babae," sabi ko pa rito. Malakas naman humalakhak si Frank. Pagkatapos ay

