UMIILING na lamang ako sa pagsang-ayon nito sa sampung milyon. Hindi na rin naman ito nagsalita at tahimik na pinatakbo ang kotse. Nagulat pa nga akong nang biglang tumigil ang sasakyan malapit sa Sky Mall. Mayamaya pa'y natanaw ko ang anak ni Frank kasama ang isang babae. Ang natatandaan ko ay Noime ang pangalan nito. At ito rin ang sinasabi ng bata na kung kailan daw balak pakasalan ito ni Acosta. Pumasok ang bata sa likuran ng kotse. Bigla naman napatingin sa akin ang babae. Nakita ko ang patagong pag-irap nito sa akin. Kaya naman nagsalimbayan ang kilay ko. "Dad, sino siya?" biglang tanong ng bata kay Frank. Mabilis naman sumagot si Frank at ipinakilala kami sa isa't isa. Nagulat pa nga ang bata ng sabihin ng binata na girlfriend niya ako. Hindi na mulimg nagtanong ang bata. At ta

