"Bell!" muling pagtawag sa akin ni Frank. Kaya naman agad kong pinatakbo ang aking ducati. Sumunod pala ito sa akin hanggang sa makalabas ako ng gate. "Bahala ka sa buhay mo..." mahina kong bulong at pagkatapos ay matuling pinakbo ang motor ko. Sa bahay ako uuwi. Dahil namimis ko na rin sina inay. Lumipas ang mahabang oras ay nakarating ako sa aking bahay. Agad na yumakap sa akin ang pamilya ko nang makita ko. "Ang payat mo anak! Kumakain ka pa ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni inay. Ngumiti muna ako bago magsalita. "Inay kapag may misyon kami ay ganito talaga ang katawan ko. Saka hindi kami nakakaramdam ng gutom," sagot ko sa akin mahal na ina. "Hala! Sige, tayo ay pumunta na sa kusina para makakain ka ng maayos. Ngayon lang ulit tayo magsasabay kumain. Siya nga pala Bell, tapos na

