Muli na naman akong nagising. Pero hindi na katulad kanina na sobrang lamig na lamig. Saka parang nagugustuhan ko ang init ng katawan na iyon na nakayakap sa akin. Ramdam ko rin ang panaka-nakang halik niya sa aking noo. Alam kong si Frank ito. "Honey, nilalamig ka pa ba?" tanong niya sa akin. "Hmmm!" iyon lamang ang naisagot ko sa lalaki at muling ipinikit ang mga mata para matulog. Kinabukas na ako nagising. Babangon sana ako para pumunta ng banyo nang madama kong may nakayakap sa akin. Kaya naman marahan kong inalis ang kamay nito sa aking beywang. Palagay ko ay maayos na ako kaya puwede na siguro akong umuwi muna. Nagtootbrush lamang ako pagkatapos ay muling lumabas ng banyo. Nais kong magpaalam kay Frank na uuwi muna. Marahan ko itong inuga para magising. Mabilis naman itong nagmu

