"Peste ka talaga Rico Black..." mahinang bulong ko. Dahil muli na naman nitong niyapakan ang aking kamay. "Sumuko ka na Almonte. Magpakahulog ka na lamang diyan!" sigaw nitong muli habang humahalak-hak. Tumingin ako sa isang kamay kong may hawak na maliit na kutsilyo. Pagkatapos ay walang babalang isinaksak ko iyon sa paa ni Rico Blacka habang inaapakan ang kamay ko. "Aaaahhhhh!" malakas nitong sigaw. Lalo at pinagdiinan ko rin ang patalim sa paa nito. Mas lalo naman itong napasigaw sa sakit nang bigla kong alisin ang kutsilyo roon. Sinamantala ko ang pagkakataon para muling bumalik sa ibabaw ng bubong. Nakita ko itong mimilipit sa sakit. Narinig ko pa nga ang pagmumura nito. At talaga naman galit na galit sa akin. "Kahit kailan ay hindi ako magpapatalo sa isang katulad mong babae!" s

