UMIKOT ang mga mata ko sa buong paligid upang hanapin ang bulto ni Rico Black. Kaya lang ay bigla akong napayuko ng ulo nang makita kong babarilin ako ng isa sa mga tauhan nito. Nagmalikot ang mata ko. At namataan ko ang baril sa beywang ng babaeng hinampas ko ng bakal sa tuhod. Agad kong kinuha sabay kasa at pagkatapos ay nakipagpalitan ako ng putok ng baril sa mga kalaban ko. "Boss, nakahanda na po ang truck!" narinig ko pang sigaw ng isa sa mga tauhan ni Rico. "Anak ng tinapa tatakas na pa yata!" galit na bulalas ko. Hindi ko na ininda ang mga kalaban kong pinapuputukan ko. Muli kong kinasa ang baril ko na hawak-hawak at pagkatapos ay mataas akong tumalon sabay umang ng baril sa mga kalaban ko. At magkakasunod ko iyong kinalabit. Narinig ko rin ang ugong ng sa sakyan alam kong paa

