Muli na naman akong nagising. Tila sobrang ngalay ng aking kamay. Peste! Dahil nakabitin ako sa ere. Tumingin ako sa ibaba at nakita ko roon ang tubig na alam kung sobrang lalalim. "Bally Almonte, tingnan natin kung magmamatigas kapa sa aking gagawin!" sigaw ni Rico Black, mula sa ibaba. Wala pa rin akong imik. Hinintay ko kung ano ang gagawin nito. Hindi nagtagal ay dahan-dahan na nga nilang ibinababa ang tali na kung saan ako nakatali. Paglapat ng paa ko sa tubig ay ramdam ko ang lamig, kung hindi ako nagkakamali ay nilagyan nila ito ng mga yelo. Patuloy pa rin nilang ibinababa ang tali. Hanggang sa umabot na sa aking leeg ang tubig. At tuluyan na nga akong nalubog sa ilalim. Ngunit patuloy pa ring gumalagaw ang tali. Pinigil ko ang aking paghinga. Anak ng tinapa, oh! Hindi ako papay

