Pagdating sa bahay ay agad akong sumakay sa aking ducati. At matulin ko itong pinatakbo palayo sa lugar. Mabilis lang akong nakasakay sa barko. Lumipas ang mahabang oras ay nakarating ako sa laguna. Sa malayo ko itinigil ang aking motor upang hindi ako mapansin ng mga taong makakakita sa akin. Tumingin ako sa bahay nito. Pansin kong nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay. Kaya naman maliksi akong umakyat sa gate na bakal. Upang makapasok sa loob. Walang ingay na bumagsak ang paa ko sa lupa. Maingat din ang mga hakbang ko patungo sa likod bahay. Bigla akong napatago nang marinig kong may nag-uusap. Kaya pinakinggan ko ang usapan nila. "Uuwi ba rito si Boss Rico?" narinig kong tanong ng isang lalaki sa kausap nito. "Ang alam ko'y hindi. Baka kasi mayroon pumunta ritong mga NBI. Alam mo n

