"Kamusta na po ang pakiramdam ni Papa?" ang nag-aalala kong tanong sa aking mother-in-law. Napasugod kami ng wala sa oras ng anak kong si Erin sa bahay ng mga magulang ng kanyang Daddy. Nakatanggap kasi ng tawag ang anak ko na may masamang nangyari sa kanyang Lolo kaya naman nagmamadali kaming umalis ng bahay para alamin kung ano ang nangyari sa biyenan kong lalaki. Bigla na daw kasing nanikip ang kanyang dibdib at hindi nakahinga ng maayos kaya isinugod na agad sa pinakamalapit na ospital. "Okay na ang pakiramdam ng Papa mo, April. Mabuti na lang talaga at naagapan ng mga tao na kasama niya sa company ang nangyari at agad siyang nadala sa ospital." Ang kwento ni Mama Guada na bakas pa rin ang lungkot sa mukha. "Lola, sure na po ba na okay na si Lolo? Baka po nagkukunwari na naman siy

