Episode 67

2116 Words

Hindi ko alam kung saan ko ba hahagilapin si Eduard tungkol sa nangyari sa kanyang Papa. Ano ba kasi ang nasa isip ng lalaking iyon at maging ang mga magulang niya ay pinagtataguan niya at hindi man lang kamustahin kung ano na ba ang kalagayan? Hindi pa naman ako pwedeng basta na lang lumabas ngayon ng bahay dahil sa nangyari na naman kay Abby at sa kanyang anak. Mabuti na lang talaga at maaasahan si Dark na siyang hiningan ko ng tulong para puntahan ang mag-ina sa isang lugar kung saan nagpakita na ng harapan sa kanya ang lalaking naglagay ng dugo at patay na manok sa kanyang tindahan. Kung ipahanap ko rin kaya kay Dark kung nasaan ngayon si Eduard? Ngunit ayoko naman na isipin ni Dark na inaabuso ang pagiging matulungin niya lalo pa at mas importante na tutukan ang problema ni Abby

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD