"Lyndsay, anak. Hindi pa rin tayo pwedeng lumabas ng bahay. Kaya ako muna ang kalaro mo, gusto mo ba yon?" tanong sa aking pamangkin na kagigising lang habang hinahandaan ko na ng kanyang almusal. "Opo, Auntie." Ang tugon niya sa akin at pilit hinahawi ang kanyang mahabang buhok dahil nakahambalang sa kanyang mukha ang ilang hibla nito. Hinaplos tuloy ng awa ang puso ko kalagayan ng aking pamangkin na lagi na lang narito sa loob ng bahay at hindi makapamuhay ng normal gaya ng ibang mga bata na kaedaran niya. Hinango ko na sa kawali ang pan cake at saka ko na inilagay sa lamesa kung saan tahimik lang ma naghihintay si Lyndsay. "Thank you po, Auntie." Napangiti ako sa simpleng pasasalamat ng anak ng bunso kong kapatid. Ganito ka sweet si Abby noong mga bata pa kami. Lahat ng iluto ko p

