"Kuya, sandali lang." Pigil ko sa isang lalaki na nakasuot ng long sleeve na gaya ng madalas suot ni Eduard. Kalalabas lang ng lalaki sa kanto kung saan ako matiyagang naghihintay na may dumaan na mga trabahador mula sa building na kanilang ginagawa. Sinadya ko na talagang magpunta rito sa trabaho ni Eduard kung talagang wala na ba siya rito. Tumigil naman ang lalaki na hinarang ko tinanggal pa ang kanyang helmet sa ulo. "Kayo po iyong asawa ni Sir Eduard, hindi ba?" siyang tanong niya sa akin. Hindi ko na matandaan ang kanyang itsura na baka nga isa na siya sa mga nakakita sa akin dati sa karinderya kung saan kami nagkita ni Eduard o kaya ay noong una kong hinanap itong lugar kung saan nagtatrabaho ang aking asawa. Ngumiti ako at saka tumango. "May itatanong lang sana ako kung pwede

