Isang oras lang yata ang naging tulog ko. Nawala kasi ang antok ko ng halikan ako ni Eduard kanina ng magkasama kami sa sala. Kahit anong pikit ko sa mga mata ko ay nadarama ko pa rin ang kanyang labi at mapangahas na dila na nakapagkit na yata sa aking bibig. Mabuti na lang talaga at tulog na ang lahat ng mga kasamahan namin at walang nakakita sa eksena namin sa sala. Nakakahiya at kung kailan naman kami tumanda at naghiwalay at saka kami parang mga teenager na nagnanakaw ng sandali para makapahalikan. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari kay Eduard at talagang nanggigigil sa akin kanina dahil hindi ko mapagbigyan na tabi kami matulog. Mabuti talaga at naipilit ko na hindi kami tabi matulog dahil alam ko naman na may iba siyang binabalak na gawin naming dalawa. Kapag naiisip k

