Kinuha ko na ang dalawang makapal na comforter sa silid namin ni Erin at saka isa-isa ng dinala na dito sa sala kasama ng tatlong piraso ng unan at isang kumot. Bigla na kasing nagbago ang isip ni Eduard. Ayaw niya na raw matulog sa silid kasama si Lyndon. Maliit lang daw ang silid at baka hindi siya makahinga. Kaya naman dito na lang siya sa sala kahit pa walang aircon. Sanay na daw siya na tanging cliff fan o electricfan ang gamit. Kasalukuyan ng nasa loob ng banyo ang tatay ng anak ko at ewan ko kung naghilamos o tuluyan ng naligo na naman. Bilin ko sa kanya ay huwag ng maligo dahil madaling araw na at baka lamigin ang likod niya at baka sipunin o kaya ay ubuhin. Maya-maya nga ay narinig ko na ang langitngit ng pinto sa banyo indikasyon na binuksan na ito. Nakita ko na si Eduard na

