"Mommy, Daddy, mauna na po akong matulog sa inyo at maaga pa ang pasok ko bukas." Sabay takip pa ng kanyang bibig si Erin. Halata na nga sa mga mata ng anak namin na antok na antok na nga ito. "Sige na mauna ka na anak. Hihintayin ko pa ang Auntie Abby mo." Sagot ko naman sa anak kong tumayo na sa bangko kung saan siya nakaupo. "Good night, Mommy." Paalam niya na at saka na humalik sa aking pisngi. Lumapit din siya sa kanyang ama na nagkakape na naman. Walang kasawa-sawa sa pag-inom ng kape kahit kakaubos lang ng una kong tinimpla. "Good night, Dad." Paalam na rin ni Erin sabay halik na sa pisngi ng kanyang Daddy. Mabuti naman at kahit matanda na nag nag-iisa naming anak ay hindi niya naman kinakalimutan na maglambing pa rin sa aming mag-asawa. "Goodnight din. Matulog ka na at i-off

