Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mataggap ang bulaklak galing mismo sa asawa ko pero sobrang saya at hindi ko talaga maipaliwanag. Narito ako ngayon sa kusina at nakaupo lang mag-isa habang hindi pa rin tinitigilan na samyuhin ang mabangong puting rosas na hawak ko. Napapangiti ako na parang ewan. Kung kailan talaga kami nagka-edad at kung kailan dalaga na ang anak namin ay doon saka naman aakto ng ganito ang asawa ko. "Nasaan ka ba, Eduard? Mas maganda sana kung ikaw ang personal na nagbigay sa amin nitong mga bulaklak?" ang bulong ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka nagpadala ng text message sa number na ginagamit ni Eduard kapag tinatawagan ako. "Thank you," ang simpleng sabi ko sa text. Hindi ko alam kung mababasa ba agad ni Eduard ang mensahe ko. Kahit kailan kasi

