Episode 85

1312 Words

Kahit naman ako ay nag-iisip kong ano nga kaya ang inutos o pinagawa ni Eduard kay Makoy. Ngunit ayoko na lang siyang usisain pa ang binata dahil mukhang sikreto lamang kung ano ang pinagawa sa kanya ng aking asawa. Si Erin lang naman itong makulit at pinipilit umamin si Makoy. Nalaman kong kailangan na rin pa lang umalas ni Lyndon at bumalik na rin sa Finland. Buong akala ko pa naman ay magtatagal ang dating asawa ng kapatid ko dahil nga sa anak nila. Sobrang saya ni Lyndsay ng makita at makasama ang ama. Kaya naman nalulungkot talaga ako para sa bata. Wala naman daw magagawa at mukhang emergency din kaya agad ng pinababalik sa bansa kung saan nag wowork ang dati kong bayaw. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na kahit paano talaga ay maswerte si Erin. Dalawa kami ng Daddy niya na ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD