Umuwi pala si Erin dahil okay na ang kalagyan ng kanyang Lolo. Isa pa, may exam sila ngayon mabuti na lang daw at pwede niya ng iwan ang kanyang Lolo at Lola. Naroon na rin naman daw ang ibang niyang mga pinssn kaya panatag na siyang umuwi ng bahay. "Hindi mo ba dadalawin si Papa?" tanong ko kay Eduard na bagong paligo. Papasok na rin daw siya construction site kung saan na naman siya kasalukuyan nagtatrabaho. Inabot niya sa mga kamay ko ang isang bagong tshirt galing sa mga paninda ni Abby. "Hindi na at baka magkasagutan na naman kami at ng iba ko pang mga kapatid. Okay na rin naman si Papa." Tugon ng aking asawa. "Pero Eduard, mahalaga na makita ka ni Papa at ni Mama. Huwag ka na lang sumagot kapag pinapagalitan ka. Maawa ka naman sa mga magulang mo." Pakiusap ko. "April, alam mo

