"Ang ganda naman ng design niyan, Mom?" mangha na tanong ng anak ko habang nakatingin sa mga puto na sinasalansan ko sa maliit na bilao. Hugis bulaklak ang mga puto na may katamtamang laki at iba't-iba ang kulay kaya naman talagang napakagandang pagmasdan. Samahan pa ng makulay na kulay ng sapin-sapin. Ngayon ang pagpunta ko sa mga biyenan ko sapagkat nakalabas na ng ospital ang aking biyenan na lalaki. Ako ang nahihiya sa hindi man lang pagsilip ni Eduard sa kanyang Papa habang ito ay naka confine sa hospital samantalang siya ang dapat sisihin kung bakit naroon ang kanyang ama. Hindi ko alam kung tama ba na hindi na siya dumalaw dahil sa kanyang dahilan na baka ma stress lang daw lalo si Papa Edu kapag nagsimula na naman nilang pagtalunan ang tungkol sa kompanya. Hindi talaga matata

