Nagtungo kami agad ni Erin sa bahay ni Makoy upang hanapin ang kanyang Daddy dahil sa isang emergency na nangyayari ngayon sa kompanya. May pilit daw na umaagaw ng posisyon bilang CEO sa aking biyenan na lalaki at pinagkakaisahan daw ng mga board members na patalsikin na siya sa kanyang pwesto dahil na rin sa kalagayan ng kanyang kalusugan na siyang ginagamit ng kalaban para kamkamin ang lahat. Bago raw magtanghalian ay magbobotohan na kung sino ang karapat-dapat na pumalit kay Papa Edu at tatayo na bilang bagong CEO ng kompanya. Kahit na nga raw kagagaling lang sa ospital si Papa Edu ay nagpumilit ng nagpunta sa kumpanya para protektahan ang posisyon na kanya talaga na iniingatan para sa kanyang anak. Kaya heto at nagmamadali talaga kami na hanapin ang aking asawa para sa kahuli-huli

