"Sandali po mga Ma'am at Sir, may appointment po ba kayo sa loob ng company?" tanong ng isang lalaking guard ng papasok na kami sa entrance ng building. "Excuse me? Nagmamadali kaming makapasok sa loob kaya wala na kaming panahon makapagkilala pa sayo at sa kahit na sino pa," nakataas ang kaliwang kilay na saad ni Erin sa guard na humarang sa aming daanan. "Pasensya na, Ma'am. Kung wala po kayong appointment ay hindi kayo talaga pwedeng pumasok," ani pa ng guwardiya na hinarang pa ang malaking bulas ng katawan sa aming tatlo. "My name is Erin Penelope De Guzman, grandchild ng kasalukuyang tumatayong CEO, Honorable Edu De Guzman at ang nag-iisang anak ng tunay na CEO ng company, Eduard De Guzman. At ang future CEO ng kompanya kung saan ka nagtatrabaho ngayon," madiin na pagpapakilala ni

