"Ano na kayang nangyayari sa loob?" sabay tingin ni Erin sa kanyang relong pambisig. Halos kalahating oras na rin kaming naghihintay dito sa labas ng conference room. Pare-pareho na rin kaming naiinip at nais ng malaman kung ano ang resulta ngunit wala pa ni isang tao ang lumalabas sa naturang silid. "Don't worry, iha, alam nating pare-pareho ang ability ng Daddy mo. Medyo may pagka wirdo nga lang ang ama mo pero alam mo naman na matalino siya," wika naman ng biyenan kong lalaki na matiyaga rin na naghihintay kasama ang biyenan kong babae na kanina pa rin umuusal ng panalangin. "Erin, mukha namang sigurado ang Daddy mo sa sarili niya. Hindi naman din siguro susugod dito si Tito Eduard para sa wala lang hindi ba? Malamang na may mga hawak siyang alas laban sa kung sino man," sabi naman

