"Ops!" sabay tingin sa akin ni Erin matapos niyang bigyan ng isang suntok sa mukha si Ylona. "Mom, sorry, dumulas po ang kamao ko." Paghingi niya ng sorry sa akin at saka pinagpag ang kanyang kamay. Wala akong masabi dahil nabigla na lang din ako sa ginawa ng anak ko sa mukha ni Ylona. "I will sue you!" dinuro pa ni Ylona ang anak ko at talagang nanlilisik ang kanyang mga mata at halos malagot na ang mga naglitawan na ugat sa kanyang leeg sa sobra sigurong galit na nararamdaman. Pumagitna na ako sa pagitan na naman nilang dalawa. "Hindi ka ba talaga titigil na babae ka? Gusto mo ba talagang dagdagan ko pa ang sakit ng katawan mo? Saan pa ba ang bahagi ng katawan mo ang retoke at ako naman ang susuntok?" pananakot ko pa kay Ylona dahil ayaw niya pa talagang tumigil. "Bruha! Nagmana an

