"Yes, Auntie Abby, pauwi na na po ako." At saka ko na pinatay ang cellphone na aking hawak kung saan kausap ko ang bunsong kapatid ni Mommy. Ngayong araw ang schedule ng operasyon ni Mommy sa kanyang left ovary. Buong akala niya raw ay simpleng sakit lamang ang kanyang nararamdaman na matagal niya na pa lang iniinda. Inisip ni Mommy na dahil lamang siguro sa madalas siyang magpalipas ng gutom kaya nangyari na sumasakit ang kanyang tiyan. Gustuhin man daw niyang magpa-check up noon pa sa espesyalista ay nahihiya siyang manghingi ng pera kay Daddy dahil ayaw niya naman daw makarinig pa ng kung anu-anong mga salita kaya nagtiyaga na lamang siyang umiinom ng mga pain reliever at mga herbal na gamot kahit hindi naman niya tukoy kung bakit sumasakit ang kanyang tiyan. Nadagdagan na naman an

