"Because I love you! Mahal kita, Eduard! Ako ang dapat naging asawa at naging Mommy ni Erin at hindi si April! Kung hindi siya maagang nagpa-buntis sayo ay ako ang bukod tanging babaeng karapat-dapat para sayo. Ako lang, Eduard! Ako lang! Ako lang at wala ng iba!" ang sigaw ni Ylona habang tumutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ko naman lubos akalain na sa loob ng maraming taon na magkakakilala kami ay meron pala siyang lihim na pagtingin sa akin. "Look at me, Eduard. Hindi ba at mas maganda naman ako kung ikukumpara kay April? I am more than beautiful than your wife. Matalino ako at hindi ka mahihiyang ipakilala ako sa mundo. Kaya ako na lang ang mahalin mo, Eduard. Magiging mas mabait akong asawa sayo at mas mabuting Mommy kay Erin. Kaya please, hiwalayan mo na si April.

