Walang hinto ang mga labi namin sa pagpapalitan ng laway. Panay na rin ang haplos niya sa iba't ibang parte ng katawan ko na nagiging dahilan para mas lalo akong makaramdam ng init. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil hindi ko magawang huminto. Tuluyan na akong nawala sa aking sarili. "Hell," sambit niya sa pangalan ko. Bahagya siyang humiwalay sa akin pero pilit pa rin siyang hinahabol ng aking labi. Paulit-ulit niyang sinubukan na alisin ako sa ibabaw niya pero hindi ako nagpapatinag. Gusto kong gawin namin ang bagay na pinakaayaw ko. Gusto kong maramdaman siya. "Nangako ako sa 'yo, hindi ba?" aniya kasabay ng paghawak niya sa magkabilaan kong pisngi. "Wala akong gagawin sa 'yo gaya ng sinabi ko. Hindi kita puwedeng galawin, hindi tayo puwedeng... alam mo na. Ayaw kon

