bc

Fire of Hell

book_age16+
424
FOLLOW
2.4K
READ
sex
band
luna
drama
sweet
lies
lonely
addiction
wild
like
intro-logo
Blurb

Naniniwala si Hellia Mary Celestia na ang pagmamahal ay isang kathang-isip lang na binuo ng mga tao upang makasakit at sumaya dahil sa napakalungkot na mundong mayro'n tayo. Naniniwala siya na kung hindi ka magiging masaya, wala ring rason para maging malungkot ka. Marami siyang pinaniniwalaan na mga bagay hanggang sa, siya mismo ang tumibag sa pader na binuo niya. Nang makilala niya si Fire Aldous Lazarby, nagbagong bigla ang ihip ng hangin. Sinubukan niya ang lahat para itaboy ang lalaki ngunit sa bawat pagtulak niya rito ay siya ring paglapit niya kay Hell. Isang salita ang hindi niya makalimutan na sinabi ni Fire, at do'n na nagsimula ang lahat. Do'n na nagsimula kung paano niya tibagin ang mga paniniwalang siya mismo ang gumawa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: RAKFEST
Madalian kong isinuot ang itim na choker sa aking leeg. Tinitigan ko muna ang aking sarili sa harapan ng salamin at nang makita kong presentable na ang istrura ko'y dali-dali kong kinuha ang leather jacket na nakahandusay sa higaan. Isinuot ko ito sa aking katawan habang lumalakad patungo sa labas. “Are you ready, Hell?” tanong sa akin ni Heaven na ngiti lang ang naging sagot ko. Ngayon ang rakrakan festival kaya halos mataranta kami sa pag-aayos ng aming itsura. Gaya noon ay pare-pareho kaming nakaitim, wala pa ring pagbabago. Halos makipag-unahan pa kami sa SM para lang makabili ng VIP ticket para sa event na ito. Maraming banda ang mag-pe-perform, mga sikat at mga hindi gaanoon kaingay ang pangalan. Marami ding solo artist gaya nina Shanti Dope at Gloc-9. Pero ang pinakainaabangan ko sa lahat, ang IV OF SPADES na mamimili ng masuwerteng nilalang na mapapasama sa stage at sasabayan silang mag-perform. Hindi na ako makapaghintay! Hinihiling ko na sana mapasama ako sa mga suwerteng nilalang ngayong araw. Gusto ko talagang makasama ang IV OF SPADES kahit na isang beses lang sa buhay ko. “Ugh! Ang tagal n'yo!” naiiritang sabi ko nang makita kong naglalagay pa lang sila ng red lipstick. “Maghintay ka nga, ang aga pa puro mga underrated lang ang mag-pe-perform kapag mga ganitong oras kaya hindi natin kailangang magmadali—” Hindi na natapos sa pagsasalita si Paradise nang sumingit ako sa sinasabi niya. “I don't f*****g care. Bilisan n'yo or else iiwanan ko kayo.” Umirap ako nang palihim na alam kong napansin nila. I hate this! Gusto ko nang umalis at ang bagal nila. I can't wait to see my Zild Benitez. I've been wishing for this moment to happen at heto na 'yon, I can't lose this opportunity. “Ugh! Ang tagal ninyo!” muli kong sabi. Tinitigan lamang nila ako kaya naiuntog ko na lang ang aking ulo sa pader. Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa bitbitin na nila ang kani-kanilang pouch. “Tara na!” aya ni Heaven na ikinangiti ko. Nakipag-unahan akong lumabas para agad na makapara ng tricycle na sasakyan namin at nang maihatid na kami sa bus station. Sila ang naunang naglakad palabas sa bahay pero binangga ko sila para mauna ako. “Aray... huwag mo kaming banggain, Hell. Maluwag ang daanan,” mahinahong sambit ni Heaven nang tumama ang katawan niya sa pader dahil sa malakas na pagbangga ko sa kaniya, pero kahit na nasaktan siya sa ginawa ko'y nanatili pa rin siyang kalmado. “Ouch! Ano ba, Hell?! Nagmamadali ka, edi dapat nag-arkila ka ng eroplano para mabagsakan 'tong bahay mo na ginawa mong studio,” ani Paradise na halatang iritang-irita na. Masisisi ba nila ako? Mahal na mahal ko sina Zild, Blaster at Badjao kaya wala silang magagawa kung ganito ako ka-excited. Malay ko ba kung ako ang masuwerteng babaeng mapipili nila. “Heto na 'yong tricycle!” sigaw ko sa kanilang dalawa nang makita ko ang isang tricycle na papalapit sa amin. Agad akong sumakay sa likuran. Napangiwi ako nang makita ko ang mabagal na paglakad nina Heaven at Paradise na para bang namamasyal sa isang mall. “Bilisan n'yo! Wala kayo sa mall!” sunod-sunod kong sigaw. Mag-aalas dose na at mayamaya lang ay mag-uumpisa na ang event, ayaw kong mahuli dahil gusto kong mapili para kumanta sa stage at nang maka-duet ko si Zild. Ah! Hindi ko maiwasang isipin! Nagsimula nang umandar ang tricycle, hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko'y ang bagal ng takbo nito. Mayamaya pa'y narating na namin ang bus station. Agad akong bumaba at nagsimulang tumakbo nang makita ko ang isang bus na may karatula papunta sa CCP. Narinig ko ang mga sigaw nina Heaven na pinapahinto ako pero hindi ko sila pinakinggan. Hindi na ako makapaghintay! Para akong nagiging baliw. Napangiti ako nang tuluyan ko nang marating ang bus. Agad din akong naabutan nina Heaven na hingal na hingal sa pagtakbo para lang mahabol ako. “What the he—” Itutuloy pa sana ni Paradise ang kaniyang sasabihin nang titigan ko siya. “Sige, subukan mo at isasampal ko sa 'yo 'tong palad ko... Paraiso.” Inirapan ko siya bago ayusin ang aking buhok na nagulo na dahil sa pagtakbo. “Hell, pinagbayad mo ako, pinagbayad mo ako tapos ang lakas ng loob mong sabihin na, Paraiso! f**k you!” naiirita niyang sabi pagkatapos ay umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Heaven. Natawa naman ako nang palihim dahil ang sabi ko sa kanila'y sagot ko ang lahat, tapos ngayon, si Paradise pa ang nagbayad sa tricycle. Natawa rin ako dahil ayaw niya talaga na tinatawag siyang paraiso. 'Yon ang tawag sa kaniya ni Papa kaya nakasanayan na rin namin, pero huminto rin kami sa pagtawag sa kaniya ng pangalan na 'yon dahil nagagalit siya sa amin nang sobra. “Parang mga bata,” bulong ni Heaven na narinig naming dalawa ni Paradise kaya sabay kaming napatingin sa kaniya. “Sinong bata?” mataray naming sabi ni Paradise. Sabay pa talaga kami nang sabihin namin 'yon kaya tumawa si Heaven nang napakalakas na agad niya ring napigilan nang makita niya ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nasa pagitan namin ni Paradise si Heaven kaya may espasyo kaming dalawa sa isa't isa dahil kung hindi, baka kanina pa kami nagsabunutan. “Ngayon lang nagkaroon ng emosyon si Hell, kaya hayaan mo na lang siya Paradise,” ani Heaven kay Paradise nang mapansin niyang naaasar pa rin siya sa akin kaya natigilan ako nang biglaan. “Oo na! Alam ko naman, e! Pero, magkakaroon na nga lang din siya ng emosyon, 'yong emosyon pa talaga na barubal,” saad ni Paradise pagkatapos ay umirap sa kawalan. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa dinami-rami ng puwedeng mapuntang member sa grupo ko, sila pa talaga ang narito ngayon. Ako rin naman ang nagdesisyon na isama sila sa banda kahit na madalas kaming hindi magkasundo ni Paradise, wala na rin kasi akong ibang pinagkakatiwalaan bukod sa kanila. “Oh, sa mga bababa sa CCP, nandito na tayo. Puwede na kayo bumaba,” wika ng konduktor dahilan para mapatayo ako nang mabilisan sa inuupuan kong silya. Walang anu-ano'y lumabas ako kahit na hindi pa nakatatayo sina Heaven. Nakita ko ang gulat at inis sa kanilang mga mukha. Masisisi ba nila ako? Ngayon lang ako naging masigla. “Hell! Para kang bata! Hintayin mo kami!” sunod-sunod na sigaw ni Paradise sa akin nang tuluyan na akong makalabas mula sa bus. Patakbo akong pumunta sa mga guwardiyang nag-che-check ng tickets. Nakangiti kong inilahad ang VIP ticket na pinaghirapan ko pang bilhin. Lahat ng ipon ko'y inilaan ko para lamang sa event na ito. Nang tuluyan na akong makapasok ay napangiti ako. Sakto lamang ang dating ko at kahit na tirik na tirik ang araw, hindi ko ito alintana dahil sobrang saya ko ngayon. “Wow,” manghang sambit ko nang makita ko na ang paligid. Puro itim ang nasisilayan ng aking mga mata, ang iba ay naka-ordinaryong damit lang pero mas nangingibabaw pa rin ang kulay itim sa buong paligid. “Tangina! Hindi mo kami hinintay!” bulyaw ni Paradise na hindi ko pinakinggan. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang stage kung saan mag-pe-perform ang IV OF SPADES. Napangiti ako nang malawak nang maisip ko kung gaano ka-exciting ang mangyayari ngayon. Sana lang talaga, ako ang mapili ng IVOS. Mayamaya pa'y nag-umpisa na ang event at ang unang nag-perform ay hindi gano'n kaingay na banda pero walang dudang magagaling sila. “Stars are fallin' forever... to see the face that would give light... your eyes I'd see from afar... I've been told that you'll never... forget the feeling you will hide... with whom it feels so right...” Hindi na ako makagalaw sa puwesto ko nang makita ko si Arci Muñoz na nag-pe-perform kasama ang banda niyang Philia. Napakaganda niya! “Time is flirting with pain... watch the moon as it wanes... the night's like wine sweetly savored me mine... angels searchin' for you... fairytale please be true... holdin' you as a dream, wishing heaven was here...” Nagsimula nang magliyab ang buong paligid. Sino ba naman ang hindi hahanga sa bandang Philia na kahit kaunti pa lang ang na-re-release na kanta, ang ingay na kaagad ng pangalan nila. “If I could reach the stars tonight... rearrange the faith we have... if I could hold each second past... bend the rules and lost of time...” Nakita ko sina Heaven at Paradise na nakikisabay na rin sa kanta gaya ko. Mayamaya pa'y natapos nang mag-perform ang Philia at nawala na rin ang background. Hinihintay na namin kung anong banda ang susunod. “Omg! Slapshock!” sigaw ko nang makita ko nang lumabas ang bandang Slapshock. Hindi ako mapakali sa puwesto ko at para bang gusto kong tumalon dahil sa tuwa. Sobrang ingay nito, sigurado ako. Hindi rin maiiwasang hindi mapa-headbang dahil bukod sa napakaganda ng kanta nila, pangmalakasan talaga ito. Tinugtog nila ang kanta nilang Cariño Brutal na sikat na sikat. Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang bandang Slapshock? Natapos na silang mag-perform at may mga sumunod pang mga banda at solo artist hanggang sa sumapit na ang alas-dose ng gabi. Wala pa rin ang IVOS kaya grabe ang paghihintay ko. Hindi ako umalis sa puwesto ko kahit na nakararamdam na ako ng gutom. Sina Heaven na rin ang bumili ng pagkain at sila na rin ang kumuha ng free redhorse drink. “Nakakahiya naman sa 'yo,” sambit ni Paradise sabay irap na naman sa akin. Agad kong tinanggap ang dala niyang dalawang cup ng beer. Ininom ko ang isa at hindi ko namalayan na naubos ko na pala iyon. Nagsimula nang umilaw ang stage at sa pag-ilaw pa lang n'on, alam ko na kung sino ang mag-pe-perform. “IVOS!!!” sigaw ng mga kagaya kong spaders. “Omg! Kalma-kalma! Oh God!” sabi ko sa sarili dahil hindi ko na mapigilan ang labis na tuwa na unti-unti nang dumadaloy sa buo kong katawan. Inaayos na nila ang mga instrumentong kanilang gagamitin. Nakita ko si Zild na tinitingnan kung nasa tono ang hawak niyang bass guitar habang inaayos din naman nina Blaster at Badjao ang gagamitin nila. Halos matunaw ako habang nasisilayan ko si Zild. Kaunti na lang at malapit ko na siyang maabot. “Parang mababaliw ka na,” sambit ni Paradise na hindi ko pinansin. Nakita ko naman ang pagsita sa kaniya ni Heaven. Nagsimula nang tumugtog ang instruments nila at sa pagtugtog n'on, tila nadala na ako sa agos ng musika. Hindi ko na alam kung paano pa makababalik sa reyalidad, dahil mas gusto ko na lamang na ipaalon ang aking kaluluwa sa galak at sayang nararamdaman ko ngayon. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Ngayon na lang ulit kaya naman, gusto kong sulitin ang buong araw na may nararamdaman akong iba't ibang uri ng emosyon dahil pagkatapos nito, alam kong wala na naman akong mararamdaman, wala ni katiting — wala ni isa.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.6K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook