CHAPTER TWO: MUNDO

1629 Words
Natulala ako nang magsimula ng kumanta si Zild. Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko. “Sa 'yong pagtingin ang tanging hiling... sagipin mo 'ko... nalulunod na ako...” Pakiramdam ko'y may mga luha nang gustong bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang maging emotional dahil sobrang fan nila ako. Sobra pa sa sobra. “Okay, so... ngayon lang kami mamimili ng dalawang masuwerteng tao na hindi ko alam kung masuwerte,” wika ni Zild dahilan para magtawanan ang lahat. “Hindi, heto na.” Nagsimula nang kabahan ang aking dibdib. Hindi ko maiwasang hilingin na sana ako, sana ako ang mapili nila. Gusto ko silang mayakap nang sobrang higpit. “Hell Celestia.” Parang nasemento ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin-tingin pa ako sa paligid at nakita kong nakangiti sina Paradise sa akin na halatang tuwang-tuwa sa narinig. “A-Ako?” nauutal kong tanong sabay turo sa aking sarili. Tumango sila sa akin dahilan para lumaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala! Grabe 'to! Ako ba talaga ang tinawag? Tinulak ako nina Heaven papunta sa hagdanan ng stage at nang ihakbang ko ang paa ko'y piling ko, nanlalambot ako. Grabe! Hindi ako makapaniwala. “Heto na pala ang masuwerteng nilalang na hindi ko alam kung masuwerte,” sambit ni Zild nang tuluyan ko nang marating ang stage. Hindi ako makapagsalita at pakiramdam ko na starstruck ako sa kanilang tatlo. Sayang lang at wala si Unique. Nanginginig akong lumapit kay Zild at hindi ako mapakali dahil ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya, bilang sa daliri. “Ang isa pang masuwerte...” Binuksan ni Blaster ang isang papel. “... Fire Lazarby.” “Bakit kakaiba yata ang mga pangalan ng nandito ngayon?” natatawang tanong ni Badjao. Naghiyawan ang mga tao na narito ngayon sa event nang umakyat ang isang lalaki na naka-macbeth shirt. Mahaba ang kaniyang buhok at napakarami niyang hikaw sa tainga. Malakas din ang dating niya at hindi ko maipagkakaila na guwapo siya pero walang mas hihigit kay Zild. “Heto na pala ang maganda at guwapo na napili natin. Simulan na natin,” sambit ni Zild kasabay ng pagbigay niya sa akin ng isang mic. Napalunok ako nang mariin nang dumampi ang palad niya sa kamay ko. Hindi ako makahinga! Nagsimula ng tumutog ang IVOS. Grabe ang kaba ko dahil kakanta ako sa harap ng maraming tao. “Go, Hell,” sambit ni Zild dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Sinasabi niya ba na ako ang mag-umpisa ng kanta? “Unahan mo na,” bulong ni Blaster na sapat na para marinig ko. Huminga ako nang malalim at nagsimula ng kumanta. “Sa'n darating ang mga salita... na nanggagaling sa aming dalawa...” Napahinto ako nang makita ko ang mga taong seryosong nanunuod sa amin. “Kung lumisan ka, huwag naman sana... halika na, sumama ka... nang 'di makawala...” Tila nasemento ako nang marinig ko ang boses ng lalaking nasa tabi ko. Para bang isang anghel. Pamilyar sa akin ang tinig niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig. “Aking sinta... ikaw na ang tahanan at mundo... sa pagbalik... mananatili na sa piling mo...” Nagtugma ang boses naming dalawa nang magsimula na kaming magsabay sa pagkanta. Sumasabay rin ang mga audience sa pagkanta sa amin at patuloy lang sa pagtugtog ang IVOS. “Mundo'y magiging ikaw...” Nakita ko ang pagsilay ng mga mata sa akin ng lalaking kasama ko ngayon sa stage na kumakanta. Hindi ko alam pero may kumiliti sa akin nang gawin niya 'yon. “Limutin na ang mundo... nang magkasama tayo... sunod sa bawat galaw... hindi na maliligaw...” Mas lalong umingay ang audience dahil mas lalong nag-alab ang entablado nang magsabay na kaming kumanta ng katulad kong masuwerteng napili sa event na ito. Panay na rin ang headbang ng lahat, lalong-lalo na kami ng lalaking kasama ko at ang IVOS. “Mundo'y magiging ikaw.” Nang matapos na kaming kumanta, wala kaming narinig kundi puro hiyawan. Mga malalakas na sigaw ng iba't ibang tao. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang saya ko! Sobrang saya! “Bago n'yo kami iwanan dito sa stage. May gusto ba kayong i-wish sa amin?” tanong ni Zild dahilan para mapangiti ako nang malawak. Matagal ko na 'tong gusto, sobrang tagal na at ngayon, puwede ko nang makuha ang matagal ko nang pinapangarap. “Gusto kong mayakap kayong tatlo,” nakangiting sambit ko sa kanila. Unang binuksan ni Badjao ang bisig niya dahilan para lumapit ako sa puwesto niya, niyakap ko siya nang mahigpit. Gayon din ang ginawa ko kay Blaster at nang si Zild na ang kaharap ko, pakiramdam ko mahihimatay ako. Kung nananaginip lang ako, puwede bang huwag na akong magising? “Zild,” naiiyak kong sabi kasabay ng pagyakap ko sa kaniya nang sobrang higpit. Rinig ko ang hiyawan ng mga fans na humihiling na sana sila ang nasa kalagayan ko ngayon. Kahit ako'y hindi ako makapaniwalang ang lapit-lapit na ni Zild sakin, hindi ako makapaniwalang nayayakap ko na siya. Bumitiw na ako sa kaniya at ayaw ko mang matapos ang yakap na 'yon, wala akong magawa dahil kailangan. “Ikaw, Fire?” tanong ni Blaster sa lalaking nakatayo rin sa stage kasama ko. “Gusto ko lang ng isang halik sa pisngi, mula sa magandang binibining kasama natin ngayon dito sa stage,” aniya dahilan para mapapikit-pikit ako. “What the?” bulong kong sabi sa sarili. Nagsigawan ang madla na pumayag na raw ako pero, paano ko naman hahalikan ang isang taong ngayon ko pa lang nakilala? “Papayag ka ba?” tanong ni Zild sa akin. Napakagat ako sa aking labi, hindi ako makatanggi dahil si Zild na mismo ang nagtanong sa akin. Kung hindi ko lang talaga gusto si Zild, hindi ako papayag. Lumapit ako sa lalaki at sa paglapit ko'y naamoy ko sa kaniya ang pabango na axe. Ang bango ng amoy niya. “Huwag!” sigaw ni Blaster dahilan para magsitawanan ang lahat. Dinampian ko ng halik sa pisngi ang lalaking kaharap ko ngayon. Nakita ko na para siyang nasemento sa kinatatayuan niya. “Sa totoo lang, ang ganda ng mga boses n'yo. Sana makantahan mo pa ako ulit Hell at Fire. Sa ngayon, kailangan na nating magpaalam sa mga masusuwerteng nilalang na 'to,” ani Zild. Bumaba na kami sa stage ng kasama kong lalaki. Tiningnan niya muna ako bago siya tuluyang mawala sa aking paningin. Ang weird niya dahil habang kumakanta kami kanina, panay ang silay ng mata niya sa akin. Naghanda nang muli ang IVOS at panibagong background na naman, kulay blue ito at nakalagay roon ang kanilang logo. Napakagandang titigan. “Sana all masuwerte, naka-duet mo ang vocalist ng sumisikat ngayon na banda,” sambit ni Paradise na nasa gilid ko. Napakunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi ko alam kung para kay Zild ba 'yong sinabi niya o para ro'n sa lalaki ngunit agad din 'yong nawala sa aking isipan. Napangiti na naman ako nang maalala ko ang pagdampi ng katawan sa akin ni Zild. Pakiramdam ko'y nasa langit ako. Sobrang saya, sana huwag na 'tong matapos. “Ngayon ka lang naging ganiyan kasaya,” nakangiting sabi ni Heaven sa akin dahilan para mapawi nang biglaan ang ngiting nakaguhit sa aking labi. Tama, ngayon na lang ulit ako naging masaya. Hindi ko nga alam na ganito pala ang pakiramdam n'on. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na. Napangiti akong muli nang marinig ko na ang pagtugtog ng instrumento. “Sa panaginip ko'y ikaw ang nakakasama... sa bawat agos ng salita, dala ang damdamin kong sawa... pikit matang titingin... sa patay na bituin... sana pigilan sandali ang sandali upang takasan lahat ng takot...” Muli akong natulala kay Zild. Sa bawat paglabas ng mga salita sa bibig niya, sa bawat pikit ng kaniyang mga mata at sa bawat pagkalabit niya sa bass guitar na hawak niya, unti-unti akong nilalamon ng musika. Pakiramdam ko'y tinatangay ako nito sa kaginhawaan. Kung sana'y araw-araw kong kasama si Zild. Baka, araw-araw rin akong masaya. Sana, sana lang. “Panalangin ko... iwanan ninyo ako... dapat bang matakot sa sariling multo...” “Panalanin ko... iwanan ninyo ako... dapat bang matakot sa sariling multo.” Nanatili lamang akong nakatulala at tinititigan kung paano igalaw ni Zild ang kaniyang katawan sa sayaw ng musika. Napakaganda niyang masdan. “Tulala!” sambit ni Paradise dahilan para matauhan ako. Inirapan ko siya at nagsimula nang lumakad papasok sa loob ng bahay. Para akong lumulutang sa langit na kahit tapos na ang performance nila'y siya pa rin ang nasa utak ko. Gustong-gusto ko si Zild kahit na napakaimposible para sa akin na mahawakan at makasama siya. Nakauwi na kami nina Heaven at dumiretso kaagad ako sa kama dahil pagod na pagod ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang gabi na 'yon, parang isang panaginip lang. Sana maulit pa ito, sana mangyari pa ito sa susunod na taon dahil, gusto kong muling maging masaya. Ngayon lang ako naging masaya ulit dahil nakalimutan ko na kung paano ba 'yon. “Hell, matulog ka na, ah,” ani Heaven sa labas ng aking silid. “Oo, kayo rin,” sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang mga yapak niyang papalayo na sa akin. Huminga ako nang malalim at napangiti akong muli. Pakiramdam ko'y panaginip pa rin ang nangyari kanina. Kung sana lang kami ang nag-duet, mas masaya siguro pero masaya pa rin ako dahil nayakap ko siya. Nayakap ko ang taong nagpatibay sa akin at nagbigay ng kulay sa buhay ko kahit na puro kadiliman ang nakikita ng aking mga mata. Siya ang naging ilaw ko sa lahat kaya kahit sabihin nilang nababaliw na ako, wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil bukod kina Heaven, sila na lang ang nananatiling rason kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. Si Zild ang rason kung bakit nakikita ko pa rin ang ganda ng mundo. “Naging bassist ako dahil sa 'yo, Zild kaya hintayin mo ako,” sambit ko bago halikan ang picture frame niya sa lamesang katabi ng aking higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD