“HELL, may first ever gig na tayo! Sa Chilltop!” natutuwang sigaw ni Heaven dahilan para dali-dali akong tumayo sa kama ko at puntahan siya sa kaniyang puwesto.
“Sa Chilltop? Omg! Ang daming poging boys do'n!” sabi ni Paradise dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Heaven.
Kahit kailan talaga, ang hilig niya sa mga taong hindi naman siya seseryosohin.
“Anong kakantahin natin? Ang hirap makiusap sa manager ng Chilltop kaya dapat gawin natin 'yong best natin!” nakangiting sabi ni Heaven.
Hindi ako sumasagot sa kanila at hinayaan ko lang sila na mag-usap.
“Hell! Ikaw ang leader namin!” sigaw sa akin ni Paradise dahilan para titigan ko siya.
“Kahit ano, kanta ng Tubero,” walang emosyong sagot ko sa kanila.
Napangiwi silang dalawa at tinitigan nila ako na para bang nagbitiw ako ng isang biro.
“What the he—” sabay nilang sabi na agad ding na-udlot ng tingnan ko sila nang masama.
“Ituloy n'yo at nang mabasag ang chandelier na nasa itaas natin ngayon,” nakangiti kong sambit kasabay ng pagturo sa chandelier na nasa kisame.
Nagkatinginan sila at sinuklian din ako ng ngiti. Alam nilang ayaw na ayaw ko na sinasabi nila ang salita na 'yon. Naiinis ako sa pangalan ko, sa dinami-rami ng pangalan, Hellia Mary pa talaga ang napunta sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung isa akong demonyo o alagad ng Diyos.
“Pero, Hell. Are you f*****g serious? Tubero? f**k, I don't think that's a good idea. Gusto mo bang mag-uumpisa pa lang tayo ay lalagapak na agad tayo sa lupa? I'm not degrading them. Yes, their music are powerful, ewan ko lang, siguro. Nakakatuwa 'yong music nila pero—”
Bago pa man maituloy ni Paradise ang sasabihin niya'y tinakpan na ni Heaven ang bibig niya.
“Kayo na ang pumili. Wala akong maisip na kanta,” sambit ko sa kanila.
Nag-isip sila nang ilang minuto hanggang sa itaas ni Paradise ang kamay niya.
“May naisip ako. How 'bout Losing Grip?” nakangiti niyang sambit na mukhang hindi sinang-ayunan ni Heaven.
“Sikat ang Losing Grip pero, sa Chilltop mas bet ng mga tao ro'n ang kantang atin, local kumbaga,” ani Heaven.
Napasinghap ako dahil wala rin akong maisip. Puro mga rakista ang mga manunuod sa amin kaya hindi kami puwedeng tumugtog ng soft music. Kailangan pangmalakasan.
“Tubero,” saad ko dahilan para titigan nila akong dalawa.
“No way,” sambit nilang dalawa habang nakatitig sa akin nang masama.
“Nga pala, saan ka pumunta? Nawala ka kasi kagabi nang matapos na 'yong pagkanta ni Hell kasama ang IVOS.” Pag-iiba ng usapan ni Paradise dahilan para mapatingin ako kay Heaven na biglang nag-iba ang mukha.
“Umalis ba siya?” walang kaalam-alam kong tanong.
“Oo, tulala ka kasi sa pinapangarap mong lalaki kaya hindi mo napansin na biglang naglaho si Heaven na parang bula,” ani Paradise sabay irap sa akin.
Kung hindi lang maganda ang umaga ko, baka kanina ko pa siya sinabunutan kakairap sa akin. Mabuti na lang at gumising ako nang may ngiti sa labi at dahil 'yon kay Zild.
“A-Ah... eh... hindi ko alam,” nauutal na sagot ni Heaven dahilan para magkatitigan kaming dalawa ni Paradise.
Halatang may itinatago siya. Hindi naman siya madalas mautal kapag nagsasalita kaya alam na alam namin ni Paradise kapag may inililihim siya sa amin.
“Guys, k-kasi...” Napangiwi siya at napakamot sa kaniyang ulo. Mukhang may nangyari kagabi. “... Ayaw ko na munang pag-usapan.”
“Nako! Ayaw mo pa sabihin na bumili ka ng macbeth shirt! Inililihim mo pa sa amin!” natatawang sabi ni Paradise habang hinahampas-hampas pa si Heaven.
Napasinghal ako dahil alam ko sa sarili ko na may nangyari at ataw niya 'yong sabihin sa amin. Alam ko talaga na mayro'n dahil hindi siya aarte ng ganiyan kung wala.
“Kantahin na lang natin 'yong Iris ng The Goo Goo Dolls,” saad ko na agad nilang sinang-ayunan.
Sa wakas ay nagkasundo na rin kami pero alam kong hindi namin makakanta 'yan, alam kong kahit na napakaganda ng napili namin ay hahantong pa rin kami sa mga kanta ng Tubero.
Unang gig namin 'to at kailangan namin magpasiklab. Hindi namin dapat hayaan na mabigo kami. Ito ang umpisa ng lahat.
“Tayo na, kumilos na kayo,” sambit ko kasabay ng pagpalakpak ng aking mga kamay.
Agad nila akong sinunod at nagsipuntahan sila sa kanila-kanilang kuwarto para makapag-ayos. Hinanda ko naman ang mga gagamitin namin na guitara at iba pang instrumento. Nang matapos na akong ilagay ang lahat ng 'yon sa kotse ay umakyat na rin ako sa aking silid at doon ay nag-umpisa na akong ayusan ang sarili.
Nagsuot ako ng black pants at white t-shirt. Gusto ko na simple lang ako ngayon. Ayaw kong masyadong ayusan ang sarili. Hinanda ko ang itim jacket na susuotin ko at inilapag ko iyon sa higaan.
Nang matapos na 'kong maglagay ng itim na lipstick sa aking labi ay isinuot ko na ang itim na sapatos at isinunod ko ang jacket na nakahandusay sa higaan. Tiningnan ko ang aking itsura sa isang salamin at nang makita kong presentable't maayos na ang itsura ko'y pinuntahan ko na sina Heaven at Paradise.
“Tara na,” aya ko sa kanila nang lumabas na sila sa kani-kanilang silid.
Nakaayos na sila at hindi ko maitatanggi na maganda silang dalawa. Si Heaven ay nakasuot ng pulang longsleeve na bumagay sa itsura niya, mukha siyang isang anghel na may itinatago. Ang amo ng mukha niya pero pagdating sa katawan niya, maakit kang talaga. Si Paradise naman ay nakakaakit ang mukha at hindi maitatanggi na mas lalo siyang nagiging hot sa maikli niyang shorts at sa pula niyang lisptick.
“Why it took you so long?” tanong ko kay Heaven na nahuli sa paglabas ng kuwarto niya.
Napansin ko ang paghawak niya sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung may regla ba siya or what.
“What happened?” tanong kong muli dahilan para dahan-dahan niyang alisin ang kamay niya kasabay ng pagtingin niya sa kung saan.
“Wala, hindi ko lang akalain na—” Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang magsalita si Paradise at akbayan siya nito nang biglaan.
“Tara na,” aniya dahilan para magsimula na kaming lumakad palabas.
Nang marating na namin ang kotse ay umupo ako sa driver's seat habang silang pareho ay nasa backseat. Nagsimula akong magmaneho at sa kada-tingin ko sa mirror, nasisilayan ko ang paghawak ni Heaven sa maselang parte niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi.
Huminga ako nang malalim at umubo. Napansin nila kaagad iyon kaya napatingin silang dalawa sa akin.
“Nandito na tayo,” sambit ko habang naghahanap ng bakanteng mapaglalagyan ng kotse.
Nang makita ko ang parking lot na may bakante pang spot ay ipinara ko ro'n ang kotse at nagsibabaan na kaming tatlo.
Naglakad pa kami nang kaunti hanggang sa marating na namin ang harapan ng Chilltop. Huminga ako nang malalim at hinawakan ko ang dala-dala kong bass guitar.
“Nakakakaba,” saad ni Paradise.
“Kaya natin 'to,” nakangiting tugon ni Heaven dahilan para mabuayan kami.
Ngumiti kami sa isa't isa at sabay-sabay naming inihakbang ang aming mga paa papasok sa loob ng Chilltop. Iba't ibang klase ng ilaw ang sumalubong sa amin. May mga banda rin na kumakanta, nagsikalatan din ang mga tao sa paligid at syempre, hindi mawawala ang mga masasarap na cocktail.
Kinausap ni Heaven ang manager ng Chilltop para ipaalam na narito na kami kaya naiwan kaming dalawa ni Paradise.
Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa lumabas na si Heaven sa stage at sinenyasan niya kami na umakyat na. Hinanda ni Paradise ang set of drums na gagamitin niya at gayon din ang ginawa namin ni Heaven.
Nakitingin ang mga audience sa amin, bago lang kami kaya alam kong nagtataka sila kung sino kami at kung ano ang pangalan ng banda namin.
“So, before we start. I would like to introduce our band. We are Ellipsis, I am Hell, the bassist and the vocalist and this is Heaven, the guitarist and lastly our drummer, Paradise.” I smiled widely nang ma-introduce ko na ang banda namin.
Seryoso silang nakatingin sa amin at hindi ko maitatanggi, kinakabahan na ako nang sobra. Ganito pala ang pakiramdam kapag mag-pe-perform ka na sa harap ng mga tao. Na-try ko na ang mag-perform sa harapan ng maraming audience pero confident ako dahil kasama ko ang IVOS pero ngayon, wala na akong mukhang maiharap sa lahat.
We started to play our instruments. Huminga muna ako nang malalim bago magsimulang kumanta.
“And I'd give up forever to touch you...” Hindi ko na naituloy ang kakantahin ko ng pagbabatuhin kami ng mga nachos.
“Boo! Boo!” sabay-sabay nilang sabi habang binabato kami ng mga kinakain nilang pulutan.
Napakagat ako sa aking labi. Sabi na nga ba at ganito ang mangyayari pero kailangan ko pa ring subukan.
“I know that you feel me some—” Tuluyan na akong napahinto nang matamaan ako ng bottled water sa ulo.
Napanganga sina Heaven sa nangyari sa akin habang ako'y pilit kong pinipigilan ang sarili na magalit kahit na napuno ng halakhak at tawa ang buong paligid.
Naikuyom ko ang aking kamao at napapikit ako nang mariin. Hindi ko na talaga kaya ang magtimpi.
“Mga putangina n'yo!” malakas na sigaw ko na ikinagulat ng lahat.
Lumaki ang mata nina Paradise at Heaven. Alam kong hindi nila inaakala ang gagawin ko. Sinenyasan ko sila na patugtugin ang instrumento nilang hawak.
“Sir, tangina mo, pakyu!”
Alam ko na para akong isang batang kalye habang kinakanta ko ang kanta ng Tubero pero wala na akong magawa. Kailangan kong gawin 'to.
Binitiwan ko ang mic na hawak-hawak at dali-dali akong bumaba sa stage dala-dala ang bass guitar ko. Sinundan ako nina Heaven at Paradise. Nanatiling tahimik ang paligid hanggang sa biglang magsigawan ang lahat.
Gulat na gulat ako at hiyang-hiya rin ako. Gusto ko na lang na tabunan ang sarili ng lupa. Sobrang nakakahiya!
“Good job, mukhang nagustuhan nila. Puwede kayong bumalik dito kung kailan n'yo gustuhin,” nakangiting sambit ng manager habang kinakausap si Heaven.
“Paano mo ginawa 'yon?” nagtatakang tanong ni Paradise sa akin dahilan para mas lalo akong mahiya sa sarili ko.
“Ang galing mo!” Tinapik-tapik niya ang balikat ko.
Hindi ko inakalang gagawin ko ang bagay na 'to sa buong buhay ko. Alam kong walang masama sa pagkanta ng kanta ng Tubero pero... hindi ko pa nasusubukang kantahin iyon sa harapan ng maraming tao dahil hindi ko rin naman alam kung kanta ba 'yon pero sure ako na kanta 'yon.
Mayamaya'y natawa ako nang biglaan dahilan para titigan ako nina Heaven at Paradise na para bang nababaliw na ako. Hindi ko lang maiwasang matawa sa ginawa ko.
Masaya rin ako dahil nalampasan namin ang unang pagsubok at heto na 'yon, heto na ang unang hakbang sa kasikatan ng banda namin at gagawin ko ang lahat para makilala kami at mas lalo pa kaming sumikat.