"T-Teka, ano bang ginagawa mo rito?" gulat kong tanong kay Fire nang makita ko siyang nakatayo sa labas ng gate. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit nasa tapat siya ngayon ng gate ng bahay namin. "Gusto lang naman kitang makita, masama ba 'yon?" pabalik niyang tanong dahilan para mapangiti ako sa kaloob-looban ko. Bakit ba ginagawa niya palagi sa akin 'to? Bakit ba palagi na lang niyang pinaparamdam na espesyal ako sa kaniya? Hindi ko gusto ang pakiramdam na palihim akong nakararamdam ng saya. Hindi ko gusto 'to dahil alam kong pansamantala lang ang lahat ng mga ito. Alam kong daratig din ang panahon na magsasawa siya sa akin. Ayaw kong pangunahan ang lahat pero para bang isa akong manghuhula na alam na ang mangyayari sa hinaharap

