"Tama na 'yan," ani Fire kasabay ng paghablot niya sa isang bote na nasa kamay ko Puno na ng mga bote ng beer sa paligid, wala na ring natirang case dahil ubos na ang lahat ng 'yon. Nakahiga na sina Heaven at Paradise sa kung saan habang ang dalawang kasama ni Fire ay panay pa rin ang tawanan na para bang hindi sila tinatablan ng alak. "Tumigil ka nga," nakakunot-noo kong sabi kay Fire at muling binawi ang huling bote ng alak na inagaw niya mula sa akin. "Lasing ka na, e," nag-aalala niyang sabi kasabay ng muli niyang pagkuha sa iniinom kong alak. Pilit kong kinukuha ang bote sa kaniya at para hindi ko na 'yon subukang kuhanin pa'y ininom niya ang lahat ng laman n'on kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Nagkasalubong na rin ang mga kilay ko dahil sa ginawa niya. "Bakit mo naman iniinom

