Scholarship
Si Cassandra ay isang studyante na nag aaral sa public school na pinangarap na makapasok sa university.
Cassandra P.O.V
"Talaga po Mam!! Scholar ako?" tanong ko kay mam na nandito ako ngayon sa principal office hindi ko inaasahan na magiging schoolar ako
"Why not" sabi nya ng nakangiti "isa kang matalino at masipag na bata" dagdag pa nya habang may kinukuha na kung anu.
"Kailangan mo ng mamili kung saang university ka papasok" sabi nya na iniabot sa akin ang naka roll na paper
"Ahh!! Ehh Mam hindi ko po kasi alam kung anung merong university ang meron dito eh" sabi ko na satingin ko namumula na pisngi ko dahil sa hiya, matalino nga ako pero hindi ko talaga alam kung anung merong university ang meron dito.
"Kahit isa?" tanong ni mam na kakaibang tono
"Mam!!Isa lng po ang alm ko ehh" sabi ko ng nakayuko.
"Edi yun ang piliin mo" sabi ni mam at tumayo.
Sinundan ko sya ng tingin ng tumayo sya sa pag kakaupo.
Nakita ko sya kung paano sya huminga ng malalim kakaibang paghinga kaya parang tumaas ang balahibo ko.
"Anu ba ang napili mong university?" tanong ni mam at saka sya naglakad papunta sa desk nya at saka nag salin ng hindi ko alam kasi nakatalikod sya kaya hindi makita kung anu ung sinalin nya.
"A-ahh ung PIRESVAM UNIVERSITY po ang tanging alam ko ehh" sabi ko kay mam.
"I think dapat yun na lang ang kunin mo dahil maraming student ang nangarap na makapasok sa ganyang university" sabi ni mam na humarap na sa akin.
May dala syang parang platito at saka pumunta sa likuran ko.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit nasa likuran ko si mam.
"Ay kabayong walang nanay" mabilis na sabi ko at saka tumayo sa pag kakaupo.
Nagulat ako nang hawakan ni mam ang buhok ko at saka kinapa ang batok ko.
"Hmm" napangisi si mam kaya lalo akong kinabahan
"Mam? please mam gusto ko pa po mag aral anu pong gagawin nyo"kabadong sabi ko na ngayon ay kaharap ko na si mam.
"Kailangan ko lang itong ipahid sa batok mo" sabi mam na saka lumapit sa akin at pumunta ulit sa likuran ko.
Kinuha nya ang buhok ko at inilagay sa harap ko napayuko ako dahil sa iniyuko ng kamay nya ang ulo ko.
May kung anu syang pinahid sa batok ko at pakiramdam ko tubig ewan kasi tumutulo ehh.
Nang matapos nya ako pahiran ay pumunta sya sa harap ko.
"Mam anu po yung pinahid nyo sa akin?" tanong ko kay mam.
"Nothing" sabi nya at saka bumalik sa pag kakaupo
Tinignan ko ang kaninang hawak ni mam na parang platito pero hindi ko makita dahil sa may takip ito.
"So dun kana papasok starting this monday okay"sabi ni mam ng nakangiti
"Okay po"sabi ko ng nakangiti at nawala naman na ang kaba ko.
Tumayo na ko sa pag kakaupo ko at sa saka humarap ulit kay mam.
"Maraming thank you po ulit mam" sabi ko at saka yumuko.
Tumango lang sya sa akin kaya tumalikod nako.
"Hmmm" napatingin ako kay mam ng marinig ko ang malakas na pag inhale nya, ewan basta iba para sa akin ang ganun parang hindi normal kala mo may sakit si mam.
Napatingin ako kay mam at nakita ko na nakayuko sya pero ang mata nya nakatingin sa akin.
Natakot ako sa tingin nyang yun kaya mabilis na tumango ako at saka lumabas ng office.
Anu ba yan bakit ganun naman si mam nakakainis,nakakatakot.
Dahil sa kilabot ko ay naglakad lakad na lng ako hanggang sa nakita ko si Lana na nakaupo sa desk.
"Lana?" tawag ko sa knya at dali daling pumunta sa desk nya
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.
"Ayy!!Bobo malamang reces" sabi nya ng nakangiti at saka sumusubo ng ice cream.
"Maka bobo ahh minura kita" sabi ko
"Bakit wala ka kanina?" tanong nya sa akin.
"Kina usap ako ng principal, alam mo ba scholar ako" sabi ko sa kanya ng masaya.
"Talaga? congrats" sabi nya at niyakap ako.
"Sang school?" tanong nya
"Sa PIREVAM UNIVERSITY" sabi ko.
Kita ko naman kung gaano lumaki ang mata nya sa sinabi ko
"Bakit?" tanong ko.
"Jan ko rin kasi gustong mag aral" sabi nya ng masigla "pero hindi naman ako scholar" sabi nya ng malungkot na tono.
"Anu kaba ikaw pa rin naman ang bessy ko" sabi ko at saka inakbayan sya.
"Eii sige na nga ililibre na lng kita ng ice cream" sabi nya at saka ako hinila papunta sa bilihan.
Kumain at nag kwentuhan kami na ikwento ko na rin kay Lana kung pano tumingin si mam principal
"Talaga baka naka drugs haah" sabi nya.
"Baliw haha" nagtawanan lng kami hanggang sa napag desisyunan na namin na umuwi
"Panu ba yan tawagan mo na lang ako ha! sa monday kana pala papasok dun" sabi nya sa akin.
"Oo naman! sige na ingat sa pag momotor ha"paalam ko sa knya hanggang sa makaalis sya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at saka dumiretso nako sa kwarto ko ang saya saya ko dahil makakapasok nako sa university na gusto ko, hihi.
Bumaba ako sa sala at nakita ko sila mama at ate na kumakain ng ice cream.
"Oh!!Anak halika dito kain ka ng ice cream mabang buo pa to baka matunaw haha" yaya sa akin ni mama.
"Ma? scholar po ako haha"sabi ko at saka tumalon at inupuan silang dalawa ni ate kaya ang pwesto ko ay nakakandong ako sa kanilang dalawa.
"Talaga talino talaga ng anak ko o sige na pala umakyat kana at mag pahinga" sabi ni mama.
Tulad ng sabi ni mama ay umalis na ako sa pag kakandong ko.
"Umakyat kana ha" sabi ni ate sa akin "para sa atin ung ice cream hehe" bulong nya kay mama na naka ngiti. Wow ha! dapat hindi nya na binulong rinig ko naman.
Dahil sa pinag tutulakan na nila akong magpahinga ay pumunta ulit ako sa kwarto at nahiga hanggang sa naipikit kona ang mga mata ko.