Kabanata 1

1994 Words
"Water please," nataranta si Yumi ng magsalita si Abel at humingi ng tubig. She immediately give him a mineral water. Para namang mauubosan ng tubig si Abel ng mainom nya ang tubig na binigay sakanya ng kasintahan. "How are you? May nararamdaman ka bang kakaiba? Are you okay tell me," sunod-sunod na tanong ni Yumi kay Abel. Tipid namang ngumiti si Abel sakanya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi para punasan ang luha ng kasintahan. Hindi namalayan ni Yumi na umiiyak na pala sya dahil sa pag aalala sa binata. Mahigit dalawang buwan nilang hinanap si Abel ang buong akala nila ay patay na ito. Mabuti na lamang at may nakakita sakanyang taga baryo na namumulot ng tuyong sanga panggatong. "I am okay. Why are you crying?" hindi na napigilan ni Yumi na mapahagulgol at mapayakap kay Abel. She is so happy to see him alive. Muntik na syang mabaliw kakaisip kung nasaan na si Abel. Ang hindi lang nila lubos maunawaan ay kung bakit hindi nila agad nakita si Abel. They searched for him everywhere. Lahat ng bahay na malapit sa bundok ay kinatok nila. Ilang search and rescue operation din ang ginawa nila pero bigo parin silang makita si Abel. Kaya laking tuwa nila ng isang araw ay may tumawag sa kanila at sinabing nakita na raw si Abel at dinala sa isang maliit na ospital sa bayan malapit sa bundok. Ang nagpapagulo sa isip nila ay kung paanong parang bulang nawala si Abel ay ganoon lang din sya bumalik. Sa Bundok lang nakita ng mangangahoy si Abel pero nakailang balik na sila doon ay hindi nila nakita ito. Hindi napalitan ang suot ni Abel ganoon parin iyon ng mawala sya two months ago. At ang sabi ng naka kita sakanya ay para lang daw itong natutulog walang sugat o ano paman sa katawan gayong ilang ulan na ang dumaan. Pero wala ng pakialam pa si Yumi ang importante ngayon ay nakabalik na sa piling nya si Abel. "I am just worried and scared. I thought I already loss you." "Why? What happened to me? Why am I even here? Hows the project? Where's Hener I need to talk to him," sunod-sunod na tanong ni Abel ng mapag tanto nyang nasa ospital sya na syang ipinag tataka ni Yumi. Hindi nya maintindihan ang pinag sasasabi ni Yumi at kung bakit kakaiba ito kung tumitig sakanya. "Why are you looking at me like that?" "You don't remember anything?" napakunot naman ang noo ni Abel sa sinabi ni Yumi. Ano naman ang kailangan nyang maalala? Iniisip nya kung nakalimotan nya ang birthday nito pero sa pagkakaalala nya ay sa susunod na buwan pa ito. Hindi rin naman kaarawan ng niya dahil tapos na iyon. Lalong hindi anibersaryo nilang dalawa dahil sa kataposan pa iyon ngayong taon. "What do you mean by that?" takang tanong ni Abel. Kapwa sila nagtataka sa mga sagot ng isat-isa. Mag sasalita pa sana si Yumi ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Mommy ni Abel habang nakasunod si Hener dito. Agad na yumakap ang ginang sa kanyang anak na dalawang buwan nyang hindi nakasama. "Are you okay? May nararamdaman ka ba? May gusto ka ba anak?" mas lalong napakunot ang noo ni Abel ng pareho si Yumi at ang kanyang ina ng reaksyon. Napatingin naman si Abel kay Hener na ngayon ay nag aalala rin at nag pipigil ng luhang nakatitig sakanya. "Seriously what's happening? Why am I even here?"" nagpa linga-linga sya sa tatlong taong pare-pareho ang emosyong pinapakita. Nagugulohan sya sa nangyayari ang huli nyang naaalala ay nagpunta sya sa bundok Marikit upang malaman kung tunay nga bang may misteryo ito. "I think you need to take a rest son," sohestyon ng kanyang Ina ngunit hindi sya nakinig. Mas lalo syang nag tanong at nag usisa sa mga nangyayari. Wala syang alam kung bakit sya napunta sa ospital. Hindi nya alam kung para saan ang pag aalala ng mga taong nasa harapan nya ngayon. "No mom. I need you to answer my question, what am I doing here?" "Tita.." humuhingi ng permiso na lumingon si Yumi sa kanyang Ina. "Can somebody tell me what's going on?" iritang sambit ni Abel. Nais sabihin ni Yumi ang lahat sa kasintahan. Hindi nya kayang nakikitang ganito si Abel. Kahit na napipilitan ay tumango ang ginang. Ikinuwento ni Yumi ang nangyari simula sa kung kailan sya nawala at hanggang sa matagpuan sya ng mangangahoy sa gubat habang mataman namang nakikinig si Abel sakanya. Pa minsan-minsan din ay sumasabat si Hener sa tuwing may tinatanong sakanya su Yumi. Hanggang sa matapos mag kwento si Yumi ay naka kunot lamang ang noo ni Abel dahil sa pag tataka. Mas lalo lamang syang nagulohan. "Pero paano nangyari yon? I was there, I mean the last time I remembered I was with Hener and we are our on way down." "We don't really know babe, only the old man saw you lying and God knows how many times we went there to look for you but you're no where to found. Two months babe two months we looked for you everywhere." "It's okay now. The important is you're back and you're safe son," tumango naman si Yumi bilang pag sang-ayon sa sinabi ng Ina ni Abel. "How's the project Marikit?" biglang tanong ni Abel kay Hener. Napatango naman ang binata dahil batid nyang ang isasagot nya ay mas lalong ikaiinis nito. "It was put on hold sir." Isang malutong na mura ang namutawi sa buong kwarto. Napapikit na lamang si Hener ng marinig nya iyon. Hindi naman nya ito masisisi dahil matagal ng pinlano ni Abel ang proyektong ito. "Damn it." "Son please relax kakabalik mo lang. Can you please set aside your work first?" Huminga ng malalim ang binata at sinubokang pakalmahin ang sarili. Hindi nya akalaing magagawa ng kanyang Ama ito. Alam nitong pinaghirapan nya ang proyekto ngunit ganoon na lamang ang pag babaliwala nito. "Fix the bill I'll go home today." "But you need to take a rest babe, hindi ka pa pweding lumabas sabi ng doctor.." "I will go home today." May diin ang bawat salitang iyon ni Abel. Kayat wala ng nagawa si Yumi at ang ginang. Kung may isa mang ugali si Abel ay ito iyon. Hindi nila kayang pag sabihan ang binata. Ang salita nito ang syang masusunod. Lumabas na ang ginang kasama si Hener upang ayusin ang billing sa ospital. Samantlang si Yumi naman ay nanatili sa tabi ng kasintahan. Mabigat ang pakiramdam nya dahil sa nasigawan sya ng binata. Ngunit naiintindihan naman nya ito. Tahimik nyang inaalalayan si Abel na mag bihis. Tinititigan nya ang naka kunot nitong mukha. Batid nyang marami pa itong katanongan, ganoon din naman sya. Ngunit wala na syang pakialam doon. Ang importante ay nasa piling na nila si Abel. Hanggang sa makauwi na ng mansyon si Abel ay bumabagabag parin sa kanyang isipan ang nangyari. Ayaw man nyang isipin pa ito ay hindi nya magawang iwaglit iyon sa kanyang isipan. Nadatnan nila si Alfonso ang Ama ni Abel na nag kakape sa salas habang nag babasa ng dyaryo. "Mabuti buhay pa yan," walang ganang sambit nito ng makita si Abel. Hindi masaya si Alfonso sa nangyari kay Abel para sakanya ay isa lamang itong kapalpakan at kahihiyan. Nag sayang lamang ng pera ang kompanya nila para hanapin si Abel. "Alfonso can you just be happy that our son is here," sabat agad ng kanyang Ina. Napa kuyom nalang ang kamao ni Abel at pilit na pinapakalma ang sarili. Ayaw naman nya talagang umuwi sa mansyon dahil bga ayaw nyang makita ang Ama ngunit sadyang mapilit ang kanyang Ina "Dad about the project.." "I am tired, I don't want to talk about it," agad na tumayo si Alfonso at naglakad paakyat ng kanyant silid. Hindi man sabihin ng matanda ay batid ni Abel na labis ang pagka dismaya nito sakanya. Naisin man nyang magalit ay wala syang magagawa dahil alam nyang sya ang may kasalanan. Ang pagkawala nya ng dalawang buwan ay malaking kawalan sa kompanya. Dahil dito ay natigil ang proyektong pinapangalagaan nya. Inaalalayan sya ni Yumi at ng Ina paakyat ng kanyang silid. Ganoon parin ang ayos nito ng huli syang matulog sa bahay ng kanyang magulang kaya nahihirapan parin syang maniwala na nawala sya ng dalawang buwan. "You can leave me alone Yumi." Natigil sa pag aayos ng gamit si Yumi ng mag salita ang kasintahan. "But babe I want to stay with tonight hindi kapa fully nakaka recover." "Yumi is right anak. You need her tonight let her stay with you," sabat pa ng ginang ngunit umiling lamang si Abel. "Let me alone." Nagkatinginan ang dalawa at kapwa nag buntong hininga. Wala silang magagawa kaya sabay na lamang silang lumabas ng silid ni Abel. Ayaw man nila itong iwan ay hindi nalang din sila nag pumilit pa. Ayaw ni Yumi na mag away sila ng kasintahan. Pagka labas ng kanyang Ina at ni Yumi ay agad na nahiga si Abel at nakipag titigan sa kisame. Pilit nyang inaalala ang mga nangyari ngunit bigo lamang sya. Dahil ang tanging naalala lamang nya ay ang pagka hulog nya at ang pag pa gulong-gulong nya pa baba ng bundok bago sya nawalan ng malay. "Abel nais mo bang kumain. May dala akong protas at pagkain," magiliw na sabi ni Dahlia habang may bitbit na lagayan na naglalaman ng klase-klasiny pagkain at protas. Agad namang napangiti si Abel ng makita ang magandang dilag na syang nag ligtas sakanya. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at sinalubong ito. Inilagay nya ang pagkaing dala nito sa katabi nyang mesa. "Maupo ka, huwag mo masyadong pinapagud ang iyong sarili hayaan mo akong mag lingkod saiyo." Palihim na napangiti si Dahlia sa sinabing iyon ni Abel. Hindi nya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayon. Tila ba may mga paru-parong nag liliparan sa kanyang tyan at sobra ang saya na nararamdaman nya. "Abel maayos naba ang iyong pakiramdam?" nag aalalang tanong ni Dahlia sa binata na ngayon ay abala sa pag lagay ng pag kain sa kanyang harapan. "Oo, medyo maayos na ang aking pakiramdam. Kumain ka muna Dahlia," tumango naman si Dahlia at kumain. Ganoon din ang ginawa ni Abel. Sinabayan nya sa pagkain ang dalaga. Tudo asikaso ni Abel si Dahlia habang sila ay masayang nagkukuwentohan habang kumakain. "Nais mo bang mamasyal Abel?" natigilan si Abel sa pag kain at napatitig kay Dahlia na ngayon ay nakangiting nakatitig sakanya. Tatlong araw na ang lumipas mula ng magising sya sa tirahan ng dalaga. Hindi nya maintindihan ang sarili, para bang ayaw nyang umalis sa piling ng dalaga kayat takot syang mag tanong kung saan nga ba talaga sya nanggaling. Takot syang baka kapag nalaman nya ay paalisin na sya ng dalaga. Ayaw nyang umalis, nais nyang kapiling ang dalagang nasa harap nya ngayon. "Pwedi bang dito nalang tayo? Ayukong lumabas ng kwartong ito," iyon ang na lamang ang naging tugon nya kay Dahlia. "Kung iyon ang iyong nais Abel." Napangiti sa isat-isa sina Abel at Dahlia kapwa sila nasiyahan sa sagot ng bawat isa. Ang totoo ay sinusubokan lamang ni Dahlia si Abel. Ayaw nyang umalis ang binata ngunit wala rin naman syang karapatan na pigilan ito. Batid ni Dahlia na may buhay na naiwan si Abel sa mundo ng mga tao. Pero ayaw ni Dahlia na maiwang mag isa. Kayat masaya sya sa tugon na iyon ni Abel. Habang masayang nag sasalo sina Abel at Dahlia ay tinatanaw naman sila ni Mayumi. Bakas ang pangamba sa kanyang mukha para sa diwata na ngayon ay nakikipag mabutihan sa isang taga lupa. Nais man nyang pag sabihan ang diwata ngunit wala syang magagawa. Isa lamang syang hamak na lambana na syang inatasang sabayan at sundin ang utos ni Dahlia. Hindi nya mapigilang mag-sisi kung bakit nya pa ginawa iyon. Kung alam lamang nyang ito ang mangyayari ay sana hindi na nya pinakialaman pa ang taga lupang ito. Edi sana ay hindi malalagay sa panganib ang pinakaiingatan nyang diwata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD