bc

The Chronicles 2: Enchanted

book_age18+
104
FOLLOW
1K
READ
fated
badboy
goodgirl
CEO
fairy
tragedy
sweet
bxg
mystery
magical world
like
intro-logo
Blurb

Abel loves no one but Dahlia, but he forgot her. Dahlia wants nothing but for him to remember her. His love for her is endless. And her love for him is selfless. But forbidden love will never do right, forbidden is forbidden and that they faced the consequence of their so called forbidden love.

chap-preview
Free preview
Simula
Naiinis na ipinag babato ni Abel ang papeles na nasa ibabaw ng kanyang table. Nagagalit sya dahil hindi matuloy-tuloy ang proyektong matagal na nyang plano. Sa di nya malamang dahilan ay palaging nasisira ang mga backhoe at iba nya pang kagamitan na pinapadala sa bundok Marikit. Nais nyang sirain ang bundok na ito at gawing patag para matayoan ng subdivision at iba pang straktora. "Sir pinapatawag po kayo ni Mr. Guzman." Napahilot si Abel sa kanyang noo sa sinabi ng kanyang kanang kamay na si Hener na ngayon ay nakatayo lamang malapit sa pintuan. Ayaw nyang lumapit kay Abel dahil baka matamaan sya ng mga pinagbaba-bato nito. "f**k ano ba kasing sa demonyo ang meron sa bundok nayan," galit na nagpunta si Abel kay Mr. Guzman na sya rin nyang Ama habang tahimik naman na nakasunod sakanya si Hener Bago buksan ang opisina ng kanyang Ama ay huminga muna sya ng malalim at inihanda ang sarili. Pinanatili nyang walang emosyon ang kanyang mukha ng sa ganoon ay hindi sya mapagalitan ng kanyang Ama. "Dad." Bati nya sa kanyang Ama na kagaya rin nyay wala ni ano mang emosyong makikita. Blangko ang mukha nito at matamang nakatitig lamang kay Abel. "Any update to mount Marikit?" seryuso ngunit kalmadong tanong ni Mr. Guzman sakanya habang kampanteng naka upo lamang sa swivel chair nito at umiinom ng kape. "Still not moving but I can assure you I can make it just give me enough time," pangungumbinse nya sa Ama. Hindi sya maaaring pumalpak sa proyekto na ito dahil ito ang ka unaunahang pinaka malaking proyektong ibinigay sakanya. Nangako rin sakanya ang kanyang Ama na sa oras na matapos nya ito ay ibibigay na sakanya ang kompanya. Nais ni Abel na mapatunayan ang kanyang sarili. Nais nyang maipagmalaki sya ng kanyang Ama. "I am giving you three months. If you couldn't make it I'll ask Richie to do it," Richie is his mortal enemy. He is one of his fathers trusted men. For Abel, Richie is a threat for his CEOship. "Three months then. Just wait and see Mr. Guzman," pigil ang galit na nilisan ni Abel ang upisina ng Ama. Ayaw nya sa lahat ay ang mabanggit ni Mr. Guzman ang pangalan ni Richie. Simula ng dumating ito sa buhay ng mga Guzman ay hindi na naging tahimik ang buhay ni Abel. Palagi kasi silang pinag kukompara ng Ama. "Hener prepare the car we will go to that f*****g mountain," desidido nyang utos kay Hener. Agad naman itong tumalima sakanyang utos. Napagdesisyunan na ni Abel na sya na mismo ang pumunta sa Bundok Marikit upang masiguro na magiging matagumpay ang kanyang proyekto. Ayaw nyang mabigo ang kanyang Ama kung kayat gagawin nya ang lahat para mapatunayan ang sarili rito. Hapon na ng makarating sina Abel sa Bundok Marikit. Nadatnan naman nya ang mga taohan nyang abala sa pag ta-trabaho ngunit kahit na anong gawin nila ay hindi ma sira-sira ang matayog na bundok na iyon. "Sir Guzman. Good afternoon po," bati sakanya ng bagong supervisor na ipinalit nya sa pinatalsik nya kaninang umaga. "Any update?" he asked in a very bored tone. He is so sick with this mountain. He wants to finish this project so that he could go back to his normal life. "I am cooperating with Engineer Morales sir. We are doing our best to finished this as soon as possible," sinamaan lamang ng tingin ni Abel ang supervisor na kausap nya. Nabibingi na sya sa paulit-ulit na sagot ng mga ito. Iyon din kasi ang sinabi ng mga naunang pinatanggal na nya. "Then why they stopped?" tanong ni Abel habang nakatitig sa mga trabahanteng nag kukumpolan sa ilalim ng malaking punong kahoy. "Uwian na po kasi Sir. Mag a-alas sinco narin po kasi," magalang na sagot nito sakanya. "Hener!" Hener immediately walk closer to Abel for he knows that Abel will give him an order. "Fired them all and tell the HR to recruit again. Iyong pweding mag trabaho twenty four seven." "Yes Sir," mabilis na tumalima si Hener sa utos sakanya. Wala namang problema si Hener sakanyang trabaho. Alam nyang hindi magiging mainit ang ulo sakanya ni Abel. Limang taon narin syang nag ta-trabaho rito at ni minsan ay hindi sya napagalitan nito. Para narin kasing magkapatid at kaibigan ang turin nila sa isat-isa. Ngunit pag dating sa trabaho ay kailangan nyang respitohin si Abel dahil ito parin ang amo nya. Nag lakad pabalik ng sasakyan si Abel at binuksan ang compartment ng sasakyan. Mula doon ay inilabas nya ang isang pares ng sapatos at malaking bag pack. "Sir what are you going to do?" nagtatakang tanong ni Hener sakanya ng mapansing nag papalit ng sapatos si Abel. "I want to roam around. I want to check the mountain," ang totoo ay nahihiwagaan sya sa bundok na iyon kung kayat nais nyang libutin ito. "Okay. I am going with you then lets bring at least three men so that we can assure your safety," hindi na umangal pa si Abel sa sinabi sakanya ni Hener. He knows that Hener is right. It would be safer that way. Nang makapag handa na sila ay inakyat na nila ang matayog na bundok Marikit. They know how dangerous it is but they need to listen to what Abel's command. "It's too late Sir we need to go back," Hener knows how desperate Abel is. That's why he can't blame him. But it's already 9 in the evening. Kanina pa nilamon ng buwan ang araw. Kapag nagtagal pa sila ay baka mas lalo silang mapahamak. Buti sana kung nakapag dala sila ng tent at kaunting pagkain. Kanina parin nag re-reklamo ang tatlong kasama nila. Hindi alam ni Hener kung ano ba talaga ang pakay ni Abel sa pag akyat nya sa bundok. "Fine but let's go back here tomorrow," tumango naman si Hener bilang sagot. Abel needs to confirm one thing but he don't know how or why theres a part of him that's believing that this mountain is enchanted. Sabi ng pamilyang nag mamay-ari ng bundok na ito noon ay mahiwaga nga raw ang bundok na ito. Ayaw maniwala ni Abel dito ng bilhin nya ang bundok Marikit. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa ganoong kwento. Diwata, kapre, diwende o kung ano pamang maligno. He knows that those things doesn't exist but here he is trying to find them. Trying to find something that he doesn't even know what exactly they are. Malayo-layo pa ang lalakarin nina Abel ng biglang kumulog at kumidlat. Sinabayan naman ito ng pag buhos ng malakas na ulan at pag ihip ng malakas na hangin. Nagka watak-watak ang grupo nila upang makahanap ng masisilungan. Si Hener naman ay hindi iniwan si Abel dahil batid nyang hindi kakayanin ni Abel ang mag isa. Tanging ang flashlight lamang ang syang nag bibigay sakanila ng munting liwanag. "f**k, what a bad luck," malutong na mura ni Abel habang nakasilong sila ngayon ni Hener sa malaking punong kahoy. "Sir I suggest to wait until the rain stop before we go back,"suhenstyon ni Hener kay Abel. Hener knows that it's too dangerous to them to go back to the site. Masyado ng madulas ang daan pa baba ng bundok. Hindi rin alam ni Hener kung bakit nag pumilit umakyat si Abel gayong wala naman silang napala. "No, we need to go back tonight," Abel don't want to stay long on that big tree behind them. He feels like someone or something is looking at them and it's making him uncomfortable. He is not scared because no one or things can scared him. Nag pumilit si Abel na bumaba ng bundok at suongin ang malakas na buhos ng ulan. Samantalang wala namang nagawa si Hener kundi ang sumunod kay Abel. He can't let him leave alone. Sa malakas na buhos na ulan at malakas na ihip ng hangin ay tinahak nina Hener at Abel ang pabalik ng site. Ngunit hindi paman nakaka layo sa malaking puno ng kahoy sina Abel at Hener ay para bang may kung anong humila sa paa ni Abel na naging sanhi para sya ang matumba. "Sir Abel!" sigaw ni Hener at sinubokan pa nyang hawakan si Abel upang tulongan. Hindi naman agad na hawakan ni Hener si Abel dahil sa dilim nga ng paligid at dulas ng lupa dala narin ng putik. Naging mabilis ang pangyayari at hindi na nya na abotan pa si Abel. Nag tuloy-tuloy si Abel at nag pa gulong-gulong hanggang sa mahulog sya sa isang butas at agad na nawalan ng malay kasabay nito ang pag tila ng ulan. NAKATITIG lamang mula sa di kalayoan si Dahlia sa kumpol ng mga taong pilit na sumisira sa kanyang kabundokan. Nais nilang putolin ang mga punong kahoy at gawing patag ang matayog nyang bundok. "Hindi talaga magawang ma kontento ng mga tao Mayumi," sabi ni Dahlia sa maliit na lambanang kasa-kasama nya mula ng iniluwa sya ng bulaklak at maging isang ganap na diwata ilang libong taon na ang nakararaan. "Bakit hindi mo nalang bigyan ng sakit ang mga taong iyan mahal na diwata ng sa gayon ay mag tigil sila sa kanilang kahibangan," iling lamang ang sagot ni Dahlia sakanya. "Hindi ko sila maaaring bigyan ng sakit sapagkat may mga pamilyang nag hihintay rin sa kanilang pag uwi at nananalangin sa kanilang kaligtasan," hindi lubos maintindigan ni Mayumi ang sinabing iyon ni Dahlia. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang pag mamalasakit nito sa mga taga lupa gayong pilit naman nilang sinisira ang kaharian, ang tirahan ni Dahlia. Hinipan ni Dahlia ang kanyang palad at mula dito ay may isang mahikang lumabas na naging sanhi para masira ang sasakyang ginagamit ng mga tao. Iyon lamang ang kayang gawin ni Dahlia. Ayaw nyang makasakit ng mga tao o kahit na ano paman. "Halika na Mayumi." Kahit na nagugulohan ay sumunod si Mayumi sakanya. Bumalik sila sa isang malaking punong kahoy kung saan naruon ang tirahan ni Dahlia. Unti-unting gumalaw ang malalaking ugat at nag likha ng isang lagusan. Tuloy-tuloy na pumasok sina Mayumi at Dahlia hanggang sa makarating sila sa loob ng tirahan ni Dahlia. "Mahal na diwata hindi ba kayo napapagud na paulit-ulit na bumaba sa paanan ng bundok para lamang gawin iyon," batid ni Mayumi na may mas kaya pang gawin si Dahlia para hindi na bumalik pa at mag tangka ulit ang mga taga lupa para sirain ang Bundok Marikit. "Huwag na nating palakihin pa ang gulo Mayumi. Ayukong makasakit ng sino man. Mas mainam na itong ginagawa ko." Napabuntong hininga na lamang si Mayumi at iniwan si Dahlia na ngayon ay nag aayus ng mga bulaklak sa kanyang silid. Nag liwaliw si Mayumi at piniling lumabas muna sa kanilang tirahan. Batid nyang napaka bait ni Dahlia kayat hindi sya kailan man nanakit ng mga tao ngunit natatakot syang baka isang araw ay abusohin ng mga ito ang diwata. Ang ibang diwata sa ibang mga kabundokan ay ni ayaw na mamigay kahit na sanga ng punong kahoy mula sa kanilang bundok. Samantalang si Dahlia ay pinapabayaan ang mga taong mangaso sa bundok marikit. Ang sabi ni Dahlia ay wag na raw pakialaman ang mga taong nais lamang mag hanap ng pag kain ang mahalaga raw ay hindi inaabuso ang kabundokan. Totoo naman ang sinabi ni Dahlia. Ang mga taong naninirahan sa kabilang bahagi ng paanan ng bundok na ito ay ni minsan hindi sila inabuso. Bukod pa dito ay buwan-buwan silang nag aalay ng pag kain sa harap ng malaking punong kahoy upang magpasalamat kay Dahlia sa pag protekta sa Bundok. Ngunit nito ngang nakaraang buwan ay may mangilan-ngilang dayuhan ang umakyat sa bundok at pagkaraan ng ilang linggo ay may dala na silang kakaibang sasakyan at pilit na nilang pinuputol ang mga punong kahoy. Tuwing umaga ay nag pupunta sila Dahlia at Mayumi sa paanan ng bundok kung nasaan ang mga taong iyon at binabantayan ang mga kilos nito. Ilang buwan narin silang nag tangkang sirain ang bundok at ilang sasakyan narin ang sinira ni Dahlia ngunit hindi parin sila tumigil. Habang nag liliwaliw si Mayumi ay hindi nya namalayang bumaba na ang araw at tuloyan ng nag hari ang dilim. Pabalik na sana si Mayumi sa malaking puno ng may mamataan siyang dalawang lalaking nakatayo sa harap ng malaking puno at tila ba nilalamig dahil sa malakas na buhos ng ulan. ""Sir I suggest to wait until the rain stop before we go back," hindi nya alam ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaking naka itim. Ngunit batid nyang kasama ang dalawang lalaking ito sa mga taong nais sumira sa bundok Marikit. Kung kayat isang maitim na balak ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Kung ayaw ni Dahlia mag higanti ako ang mag hihiganti para sakanya. "No! we need to go back tonight," dali-daling lumipad si Mayumi papuntang paanan ng lalaking naka pula at buong lakas na hinila ang paa nito dahilan para itoy matumba at mag pa gulong-gulong pababa hanggang sa mahulog sa ilalim ng isang butas. Ang hindi alam ni Mayumi ay nakatayo na si Dahlia sa tabi ng punong kahoy at nakita nya lahat ang ginawang iyon ni Mayumi. "Mahal na diwata," kinakabahang sambit ni Mayumi. Hindi nya alam kung ano ang gagawin sakanya ni Dahlia. Hindi pa ni minsan nya nakita itong nagalit. "Lubos na ikina didismaya ko ang iyong ginawa Mayumi," puno ng pagka dismayang sabi ni Dahlia at dali daling pinuntahan ang binata na ngayon ay nawalan na ng malay. Nang makalapit sya sa binata ay para bang naging mahina ang takbo ng oras. Nabighani sya taglay na kakisigan at kagandahan ng binatang nag hihingalo. Ngayon lamang sya humanga sa isang nilalang at sa isang taga lupa pa. Hindi mapigilan ni Dahlia ang mapatitig sa perpektong mukha nito, ang mapupulang labi, matangos na ilong at magandang panga. Naisip nya tuloy kung anong kulay ng mga mata nito. Napailing si Dahlia sa tumatakbo sa kanyang isip. Pilit nyang iwinaksi ito kahit na nakararamdam sya ng kakaiba habang nakatitig sa binata. Hinawakan nya ang puso nito at pinakiramdaman ang tibuk nito. Sobrang hina ng pintig ng t***k ng binata. Nang tignan nya ang kabuoan ng katawan ng binata ay doon nya lamang nakita ang isang putol na sanga ng kahoy na nakatarak malapit sa puso nito. Batid nyang hindi na mag tatagal ang buhay ng binata. "Hanapin mo ang kasama ng binatang ito at dalhin sya rito," utos nya kay Mayumi na agad naman syang sinunod. Natigilan si Dahlia ng unti-unting mag dilat ang binata at magtugma ang kanilang mga mata. Kahit na madilim ay kitang-kita parin ni Dahlia ang kulay tsukolateng mga mata ng binata na para bang ng hihipnotismo sakanya. Sa hindi malamang dahilan ay biglang dumoble ang t***k ng kanyang puso. Ngayon nya lamang naranasan ito at hindi nya alam kung bakit ito tumitibok ng ganoon. Hindi nya rin alam kung paano papakalmahin ang sarili. "Anghel. Pa.. patay na ba ako?" napa tayo si Dahlia ng mag salita ito. Hindi nya akalain makikita sya ng binata. Dapat ay hindi sya nito nakikita sapagkat hindi nakikita ng taga lupa ang mga katulad nilang engkanto. Napabalik sa tamang pag iisip si Dahlia ng umubo ang binata na may kasamang dugo. Nataranta si Dahlia at hindi nya alam ang kanyang gagawin lalo na ng nawalan ulit ng malay ang binata. Naupo syang muli sa tabi nito at hinawakan ang parte kung nasaan ang nakabaong sanga ng kahoy. Hindi na nya kayang hintayin pa ang pag babalik ni Mayumi kasama ang isa pang binata. Kapag nag tagal pa ay tuloyan ng papanaw ang binatang nasa harap nya ngayon. Kahit na bawal ang naiisip nyang paraan ay wala na syang magagawa. Hinawakan nya ang kamay nito at pinikit nya ang kanyang mga mata. Nang muli nya itong idilat ay nasa loob na sya ng kanyang tirahan, sa loob ng malaking punong kahoy. Mali ang dalhin ang taga lupa sa kanyang tirahan ngunit ito lamang ang natitirang paraan na na iisip nyang makatutulong sa binata. Agad nyang inayos ang pagkakahiga nito. Pahina ng pahina ang pintig ng puso ng binata kaunting minuto nalang ay mawawalan na ito ng hininga. Dahan-dahang binunot ni Dahlia ang sanga ng kahoy na nakatarak malapit sa puso ng binata at agad na nilapatan ng mga halamang gamot. Agad nya ring kinuha ang binhi ng bulaklak na dahlia para mapabilis ang pag galing ng binata. Mali mang bigyan nya ito ngunit hindi nya naman kayang makita itong mamatay. "Mahal na diwata. Bakit nyo sya dinala dito?" biglang dumating si Mayumi na ngayon ay nag aalalang nakatitig kay Dahlia. "At bakit hawak mo ang isa sa mahiwagang binhi ng bulaklak dahlia? Wag mong sabihin.." "Oo Mayumi. Ipapainom ko sa taga lupang ito ang mahiwagang binhi na ito." Pag puputol nya sa sasabihin ni Mayumi. "Ngunit mahigpit itong pinagbabawal ng nakatataas na Inang Diwata," batid ni Dahlia na tama ang sinabi ni Mayumi ngunit hindi nya hahayaang mamatay ang taga lupang ito. Hindi nya na sinagot pa si Mayumi. Dahan-dahan nyang ibinuka ang bibig ng binata at sinubo ang binhi. Sinubokan pa syang pigilan ni Mayumi ngunit hindi sya nagpa tinag. Buo na ang desisyon nyang iligtas sa kapahamakan ang binata. Unti-unting naghilom ang sugat nito at ang nagkaroon ng kulay ang kaninay maputlang mukha nito. Hindi nag tagal ay unti-unting idinilat ng binata ang kanyang mga mata. Muling nag tagpo ang mga mata nila ni Dahlia at sa ikalawang pagkakataon ay muling lumakas ang t***k ng puso ni Dahlia ngunit sa pagkakataong iyon ay pariho na sila ng binata. "Ano ang iyong pangalan taga lupa?" basag ni Dahlia sa mahabang katahimikang namagitan sa kanila. "Hi.. hindi ko alam. Wa.. wala akong maalala," napakunot ang noo ni Dahlia at napalingon kay Mayumi na ngayon ay kagaya nya ring nagugulohan. "Abel, narinig ko ang kasama nyang tinawag syang Abel," sambit ni Mayumi. Iyon kasi ang narinig nya sa lalaking naka itim ng sumigaw ito ng magpa gulong-gulong na ang binata. Napatango naman si Dahlia. "Abel? Iyon ba talaga ang pangalan ko? Ano ang lugar na ito? What I am doing here? And who are you?" isa sa katangian ni Dahlia bilang diwata ang makaintindi ng kahit na anong lingguwahe ngunit mas pinipili nyang mag salita ng wikang Filipino sapagkat ganoon ang salitang ginagamit ng mga tao na nakatira sa paanan ng bundok. Isang katangiang hindi taglay ng mga Lambana. "Siya si Mayumi ang aking kaibigan isa syang lambana," turo ni Dahlia kay Mayumi na ngayon ay natitig lamang ng matiim sa lalaki. Ang lambana ay parang tao ngunit parang kulisap lamang sa liit at may pakpak din sila. "Ako naman si Dahlia, at nandito ka sa aking tirahan na nasasakupan ng aking kaharian. Ang kahariang Marikit. Maligayang pag dating Abel," pag tutuloy pa ni Dahlia. Isa namang ngiti ang isinagot ni Abel sa isang napaka gandang dalaga na nakita nya sa tanang buhay nya. "Thank you. Thank you Dahlia," iyon na lamang ang nasabi nya sa dalaga. Ang hindi nya alam ay may naiwan syang buhay sa labas ng kaharian. Ang buhay nya, ang proyektong ipinaglalaban nya. Ang sirain ang bundok na sya ngayong kumupkop sakanya. Ang bundok Marikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook