Kanina pa patingin-tingin si Dahlia sa loob nang canteen at hinahanap si Abel pero hindi nya ito makita. Tanghalian na kasi kaya andito sya at nag hahanda nang kumain. Bumili lang sya ng maiinom dahil meron naman syang pag kain na hinanda sakanya ni Daisy. Kanina habang nag lilinis sya sa mga banyo ay nakita nya si Abel. Alam nyang nakita rin sya nang binata pero hindi sya nito pinansin. Tanging si Hener lamang ang tumango at kumausap sakanya. Nangamusta lang ang binata sa kalagayan ng ginang. Malungkot na nagpatuloy si Dahlia sa pag kain. Hindi na nga nya kasama si Daisy hindi nya pa makita si Abel. Gustohin man nyang kausapin si Mayumi ay hindi naman pwedi dahil baka may makarinig sakanya. Nasa harapan nya lang si Mayumi at kumakain din nang kanyang baon. "Mahal na diwata tingnan mo."

