"Anong pinag usapan nyo ni Victor? Bakit sya umalis?" Tanong agad ni Dahlia kay Abel ng makabalik ito sa sasakyan. Nataranta naman sya bigla ng makitang umalis na si Victor at hindi sya hinintay. "May pupuntahan pa. Ako nalang daw mag hahatid sayo," binuhay na ni Abel ang makina ng sasakyan at pina andar na ito. "Saan?" "Hindi ko alam." Hindi na muling nagtanong si Dahlia at pinili na lamang na manahimik na lang. Hindi nalang sya ulit nag tanong. Tahimik nilang binagtas ang papunta sa kanilang bahay. Nakatitig lang si Dahlia sa labas ng binata. Kung naka sakay sya ngayon sa tricycle ay mas malaya nya sanang mararamdanan ang sariwang hangin. "Gusto mong buksan?" Takang napalingon si Dahlia ng mag salita si Abel. Agad naman syang napatango bubuksan na sana nya ang pinto ng pigilan sya n

