"Kaya nga! Wala kayong karapatang sirain ang bundok na hindi nyo pag mamay-ari." Puno ng galit na sambit ni Dahlia habang patuloy parin sa pag iyak. Nawala na sa kanyang isipan na sa tuwing tutulo ang kanyang luha ay sya namang paninikip ng dibdib ni Abel. "Amin yon. Nabili na ng Guzman Corp ang bundok nayon irog." "Hindi iyon sa inyo. Pag mamay-ari ng kalikasan ang bundok na iyon. Sa oras na sirain nyo ang bundok Marikit ay babaha ang bario na nasa paanan ng bundok na iyon Abel," wala ng pakialam si Dahlia kung may nag titinginan na sakanila ni Abel habang palakas ng palakas ang sigawan nilang dalawa. Nag sisimula ng mainis si Abel kay Dahlia dahil hindi nito maintindihan ang dalaga. Pero pinipilit nyang intindihin ito kaya pinakapakalma nya ang kanyang sarili. "Irog, ire-relocate na

