Tahimik lamang si Hener habang nag sumusunod kay Daisy at sa lalaking nagpakilalang Victor. Sumama ito papunta sa ospital at kanina pa ito salita ng salita at tinatawag na My Labs si Daisy. Gusto na sanang sipain ni Hener si Victor para tumigil na ito pero hindi naman nya pweding gawin iyon basta-basta. "Bakit ba kasi di mo sinabi saakin na dinala nyo si Inang dito? Nasamahan sana kita sa pag bantay." "Shh, wag nang maingay. Andito na tayo." Sabi bigla ni Daisy ng nasa harap na sila ng pinto nang kwarto na kinaruruonan ng kanyang Ina. Binuksan nya ang pinto at pumasok silang tatlo. Agad namang lumapit si Victor sa ginang at nag mano. Si Hener naman ay tumayo lamang sa gilid habang si Daisy ay lumapit sa Ina. "Inang kamusta na po ang pakiramdam nyo? May dala akong sabaw ng bangus pinada

