"Nako wala atang tao Tisay," sambit ni Daisy matapos pindutin ng tatlong beses ang door bell. "Baka tulog?" Nag kibit balikat lamang si Daisy. Narito sila ngayon sa harapan ng condo unit ni Abel. Mabuti nga at pinapasok sila ng security guard na ka klase pala ni Daisy sa high school. "Kumatok ka ulit," sambit pa ni Dahlia habang hawak ang dibdib. Nangangamba syang wala si Abel sa tirahan nito. "Gaga, door bell sosyal dito friend." Muling pinindot ni Daisy ang door bell pero lumipas ang limang minuto ngunit wala paring bumubukas ng pintoan. Halos sabay na nag buntong hininga sina Daisy at Dahlia. Bigong tinitigan ni Daisy ang kaibigan. "Tisay mukhang wala atang tao. Bumalik nalang tayo sa susunod," sohestyon ni Daisy. Kahit na ayaw man lumisan ni Dahlia ay tumango sya. Batid nyang wa

