Chapter 15

4315 Words
Kabanata 15 Huminto ang sasakyan sa harap ng isang bahay na mas malaki kaysa sa inaasahan ko, isang modernong disenyo na may kombinasyon ng puti at itim, na may malaking bintana at isang garahe sa gilid. Bumaba ako ng sasakyan, dala-dala ang mga gamit ko. Sumunod lang ako sakanya papasok sa loob. Isang katahimikan ang sumalubong sa amin. "Wow," sabi ko, "akala ko simpleng bahay lang 'to, pero ang ganda naman pala!" Lumingon ako kay Kuya Jace. "Mag-isa ka lang ba rito Kuya o may katulong ka ba na kasama?" tanong ko. Ngumiti siya, bahagya. "Oo, regalo ito sa'kin ni Lola para sa'min ni Yuna and minsan lang ako dito matulog mas madalas ako kila lola." "Para sa inyo ni Yuna?" Tanong ko ulit, bahagya'ng kumunot ang noo. "Ibig sabihin ba… may balak na kayong magpakasal?" Tumango siya, ang ngiti ay nawala na. "Ayon ang plano nila," aniya, ang boses ay malungkot. "But I don't think Yuna will like that idea." Nagsimula na kaming umakyat ng hagdan. Dahil sa bigat ng aking mga gamit, medyo nahirapan ako sa pag-akyat. Agad naman akong tinulungan ni Kuya Jace. "Sa kaliwa diyan ang kwarto mo," aniya, ang boses ay malambot na. "Pinalinis ko na 'yan kahapon pa." Inilagay ko sa gilid ang mga gamit ko at agad na pumunta agad ako sa kama at nahiga, pinagmamasdan ang kisame. Ang liwanag mula sa malaking bintana ay malambot at nakakarelax. Maya-maya pa, narinig ko ang mga yabag ni Kuya na papalapit sa akin. Huminto ito sa may pinto. “Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?” nakangiting tanong niya. Tumango ako. “Nagustuhan ko, maganda rito pero kuya kung para sainyo ito ni Miss Kim paano niyan kapag dito na kayo tumira paalayasin mo na ba ako?” tila nagdadramahang sabi ko. "Aba, sis, ang drama mo naman! Hindi mangyayari ‘yon! At saka, malay natin kung kailan ‘yun. Huwag mo munang isipin. Enjoy muna natin ‘tong bahay, okay?” Tumango lang ako sakanya. "Nga pala, Kuya," I said, my tone measured, "matagal na ba kayong magkakilala ni Miss Kim?" He cleared his throat, then said, “Oo, matagal na. Magkaibigan kami simula pa noong bata pa kami. Family friends din kasi ang mga pamilya natin and may business dealings din ang mga pamilya natin, kaya madalas kaming magkasama.” Tumango tango na lang ako, napaisip ako bigla. Siya pala 'yung bata na palaging kasama nito. “Since this house is para sainyong dalawa so dito rin ba siya nakatira?” "Hindi," he said, his voice barely a whisper. "Nag-aaral pa ako, two more years lang naman. After that I graduate... well, magbabago na ang lahat. Nakaplano na lahat... since we were kids." His jaw was tight, his eyes distant, parang may something na mabigat sa kanyang puso. The finality in his words, the unspoken weight of "nakaplano na lahat," ay parang mabigat na nakapatong sa hangin, nag-iiwan sa akin ng isang malalim na pakiramdam ng pag-aalala at sakin. Bakit pa kasi ako nagtanong, nalaman ko sana agad ito para napigilan ko ang nararamdaman ko para kay Miss Kim. “Anyways, my dear sis, I really have to run, may importante akong meeting. Feel at home, ha? Consider this place your own; ang kung ano man ang meron ako ay sayo na rin.” He gave a quick smile, a little too forced, and hurried off. I called out, “Mag-ingat ka sa pagda-drive!” The sound of his retreating footsteps faded, leaving me alone. Napaisip lang ako kung ano raw ang sakanya ay sa akin na rin? Pwede ba akong maki share kay Miss Kim? Chariz! Ano 'yon, threesome?! Yayks! I can't imagine. Kinilabutan ako bigla. Napailing na lang ako. Ang weird naman ng iniisip ko. Inayos ko nalang ang mga gamit ko, nilagay ko ang mga ito sa closet. Nakaayos na ang kwarto kaya hindi ki na kailangan ayusin siguro ililipat ko na lang ang study table malapit sa bintana. Habang nag-aayos ay biglang tumawag si Mel. Mel: Hello Jayceeeee!! Nailayo ko ang tenga ko sa cellphone sa lakas ba naman ng sigaw nito. Ang ingay ng background niya. Nasa bar pa yata ito, may naririnig din akong boses ng babae. “Hello Mel, nasaan ka. Napatawag?” tanong ko. “Ah, wala may party kasi ang pamilya. Diba kapatid mo si Jace bakit wala ka dito? Nandito lola mo pati si kuya Jace!” halos sumigaw na ito dahil sa ingay. Kaya siguro nagmamadaling umalis si Kuya. “Jaycee nandiyan ka pa ba” tanong nito. “Ah, yes may ginagawa kasi ako.” sagot ko. “Sandali lalabas lang ako hindi kita marinig” sabi nito at pinatay ang tawag. Maya maya tumawag na naman ito. “Nasa labas na ako” “Alam mo mamaya ka na tumawag mag enjoy ka na lang muna sa party” sabi ko dito. “Hindi konga ma enjoy ang boring puro business lang naman usapan nila hindi ako makarelate!” naiinis na sabi nito. “Jaycee, nasaan ka? Gusto kitang isama sa party, nandito kuya mo dapat nandito ka rin! Susunduin kita” “Hindi na ayos na ako dito hindi naman ako sanay sa mga ganyan at isa pa wala akong kilala diyan” sabi ko. “Ano ka ba ako bahala sa'yo at saka maraming babae dito papakilala kita!” excited na sabi nito. “Ano naman gagawin ko sa mga babae” natatawang sabi ko. “Hoy, bakla ka ang gaganda kaya nila huwag kana umayaw saka marami din pagkain dito!” “Sige, nanga dahil mapilit ka” may pagkain kasi kaya hindi ako tatanggi at isa pa ang tahimik dito sa bahay, ang boring. “Ayon papayag din naman dami pang arte! Susunduin kita ha” “Oo na pero paano niyan wala akong susuotin?” “Ako bahala sa'yo dadahil ko nalang diyan” pang assure nito. “Sige, send ko nalang sayo address” “See yah!” binaba na niya agad ang tawag. Buti nalang tapos na rin itong inaayos ko. Tinext ko agad sakanya ang address ko. Maliligo na ako, kumuha lang ako ng towel at pumasok na sa banyo. Pagkatapos kong maligo, mabilis akong nagtuwalya at nagmadaling pumunta sa walk-in closet. Naghanap ako ng maisusuot, pero dahil sa pagmamadali, boxer shorts at isang simpleng t-shirt lang ang naisipan kong isuot. Nang medyo maayos ko na ang sarili ko, biglang may nag-doorbell. Agad akong bumaba at binuksan ang gate. Si Mel pala, hawak-hawak ang isang paper bag. Bago pa man ako makapagsalita, sumigaw na siya. "HOY BAKLAAA KA! Ano 'yan sa baba mo?! Don't tell me… hindi naman siguro ito gaya ng iniisip ko, 'di ba?!" Namumula ang mukha ni Mel sa gulat, pero may kaunting ngiti sa kanyang labi. Kinabahan ako bigla. Pero imbes na matakot, naisip ko na sabihin na lang ang totoo. "Mel… may kailangan akong sabihin sa'yo," sabi ko, pinipilit na maging kalmado ang boses ko. "Intersex ako." Tumahimik si Mel. Nakatitig lang siya sa akin, parang pinoproseso ang sinabi ko. Pagkatapos, sinabi niya, "So… yun pala ang dahilan?" Parang na-gets niya agad. "Hindi ko alam na may ganun pala. Pero… infairness, daks ka pala!" Tumawa siya ng malakas. Namula ako bigla. "Mel naman, eh!" sabi ko, pero natawa na rin ako. Iniabot niya sa akin ang paper bag. "Magbihis ka na muna. Pumasok ako sa banyo at sinuot ang damit na binigay ni Mel. Nag-ayos na rin ako ng sarili at lumabas na. I'm wearing a navy blue pantsuit, consisting of a fitted blazer and tailored trousers. I've paired it with a crisp white blouse and black shoes. "Wow okay na okay, bagay sayo at sakto lalo lang pumogi, Jaycee! Tara na! Excited na ako para sa mga kaibigan ko. Sigurado akong matutuwa sila sa'yo! At saka ang pogi mo sa damit na 'yan!" --- Nanginginig ang mga kamay ko habang papasok kami ni Mel sa party. Grabe, ang daming tao! Feeling ko spotlight ako, lahat sila nakatingin! Para akong sasabog sa kaba. Tinapik-tapik ako ni Mel sa balikat. "Relax lang, gaga," sabi niya, pero seriously, ang hirap! Para kong gusto nang mag-dive sa pinakamalapit na cake. Huminga ako nang malalim, trying to look cool, and plastered a smile on my face. Iniharap ako ni Mel sa dalawang babae. "Hey lovebirds! This is Jaycee! Jaycee, meet Patty and Gigi, my former classmates from abroad. They're planning to transfer here next semester! And just in case you're wondering... they're a couple!" Mel winked. Okay, medyo nakakarelax na sana... Hanggang sa biglang nag-iba ang atmosphere. Parang lahat ng tao ay nag-freeze, tapos sabay-sabay na tumingin sa harap. May spotlight! At sino ang nasa spotlight? Si Lola, looking like she's about to announce the winning lottery numbers. "Good evening, everyone! I hope you're all having a blast!" Lola announced, her voice booming across the room. "I've gathered you all here tonight for a very, very special announcement..." My heart did a little tap dance. Ano kaya 'to? Sana libreng buffet! Charot! Pero seriously, kinakabahan na ako. Biglaan naman kasi 'to eh! "So, the big announcement is..." Ang ngiti ni Lola ay hindi umabot sa kanyang mga mata."My dearest grandson, Jace, and the lovely Yuna, are already engaged." Parang sumabog ang buong silid! Okay, hindi naman literal, pero ganoon ang pakiramdam ko. Lahat nagsisigawan, "OMG!" Pero ako, nakatitig lang kay Kuya Jace. Ang mukha niya, parang blankong papel! Poker face level expert! Nakita ko ang gulat na parang binigyan lang siya ng lifetime supply ng ampalaya—hindi masaya, 'di ba? bitter yarn? Si Yuna naman, parang nag-iisip kung anong kulay ng lipstick ang bagay sa kanya ngayon. Walang emosyon. Parang wala lang nangyari. Kuya Jace glanced at Yuna. She was just staring straight ahead, parang wala sa sarili. No happy tears, no excited squeals. Just... nothing. It was like watching two strangers being forced to sign a contract. A really, really expensive contract. Bigla siyang napalingon sa gawi ko. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa mga mata niya—pag-aalala? Pagsisisi? O baka naman... wala lang? Mabilis akong umiwas ng tingin. The whole thing felt wrong, you know? Like, super wrong. It wasn't romantic; it was all calculated. And the worst part? I knew, deep down, this wasn't just about them. It was about Lola trying to cover up her "shame" because of me. This forced engagement was her way of erasing the inconvenient truth of my existence. And Jace and Yuna? Collateral damage. Super sad. At that moment, naramdaman ko ang sakit na parang sinaksak ako ng isang milyong karayom. Parang may isang malaking bato na bumagsak sa dibdib ko. This wasn't just about my brother; it was about me. It was about my whole existence being erased, being declared a non-issue. Parang may tumutulo nang luha sa mga mata ko. Mabilis ko namang pinunasan, pero ang sakit, nandiyan pa rin, matalim at totoo. Hindi ito happy ending; ito ay isang sitcom na naghihintay na mangyari. At feeling ko, ako ang bida. "Ay, naku!" Mabilis akong tumakas sa party na parang may naghahabol sa akin. Kailangan ko ng konting space para makapag-isip. Naghanap ako ng matataguan, at nakita ko ang isang malaking puno—strategic, 'di ba? Kailangan ko lang ng ilang minuto (o dalawampung minuto) para ma-process ang buong "Kuya Jace is engaged" bombshell. "Jaycee?" Narinig kong tawag ni Mel. Busted! "Uy, Mel," bulong ko, sinusubukang magtago sa likod ng mga dahon. "Pinagmamasdan ko lang ang... uh... magandang tanawin." Tumawa ng bahagya si Mel. "Seriously? Kanina pa kita hinahanap! Alam mo, ang daming masasarap na pagkain at drinks sa loob. Sayang naman kung hindi natin susulitin! Tara na, balik na tayo sa party!" Pagbalik namin sa loob, mas masaya na ang party kaysa kanina. Mas malakas na ang tugtog, mas malakas na ang tawanan, at puno na ang dance floor. Pero imbes na ma-overwhelm sa ingay at gulo, nakaramdam ako ng katahimikan. Siguro tama si Mel. Siguro hindi naman pala puro disaster ang gabing ito. Kumuha kami ng mga plato na puno ng pagkain grabe at humanap ng mauupuan. Si Mel ang nag-asikaso ng drinks, at nakakuha siya ng dalawang malalakas na cocktails. "Cheers," sabi niya, tinapik ang baso niya sa baso ko. "Para makaligtas sa awkward family gatherings at questionable engagement announcements." "Jaycee," tawag ni Kuya Jace. lumapit siya sa'min kasama si Yuna. Wala akong mabasa sa mukha ni Yuna, blankong expression pa rin. "kanina pa kita tinatawagan, nandito ka lang pala. Hindi na pala kita kailangan papuntahin dito kasi nandito ka na. I guess Mel invited you here. Kanina pa ba kayo dito? "Kanina pa kami nandito bago pa namin marinig ang tungkol sa engagement niyo ni Ate Yuna kayo ha hindi kayo nagsasabi." sabi ni Mel. "Ahh, about that," sabi ni Kuya Jace, "actually, wala akong alam. Wala akong idea na may announcement." Parang nagulat talaga siya, at sandali, may kumislap sa mga mata niya—parang relief? bago niya agad binawi ang ekspresyon niya at bumalik sa neutral. Si Yuna naman, wala pa ring emosyon, nakatingin lang sa malayo. Tahimik lang kami, at ang tanging naririnig lang namin ay ang masayang tugtog mula sa dance floor. "My dear sis," sabi ni Kuya Jace, "tara, ipapaalam ko kay Lola na nandito ka na at ipapakilala kita sa mga bisita natin.” Nagbigay siya ng maliit na ngiti bago tumingin kay Mel. “Okay lang ba, Mel, na kunin ko muna sayo ang lil sis ko?” Tinignan ko si Mel na parang humihingi ng tulong. Ayaw ko talagang sumama kay Kuya Jace dahil hindi naman ako gusto ni Lola at ayaw ko makipag-usap sa mga bisita, lalo na’t hindi naman ako makakarelate sa kanila dahil puro business lang naman pag-uusapan nila. “Sige na, Kuya Jace, kunin mo na siya,” sabi ni Mel, na parang walang pakialam. Wala na akong nagawa kundi sumama na lang kay Kuya Jace. Wala akong choice, eh. Isa-isa niya akong ipinakilala sa mga bisita, at habang ginagawa niya iyon, parang wala akong narinig na kahit isang masayang komento mula sa kanila. Matapos ang mga pagpapakilala, pumunta na kami sa mesa kung nasaan si Lola. Umupo ako katabi ni Yuna, at sa kanan niya ay si Kuya Jace at ang pamilya ni Yuna. Nilagyan ni Yuna ng pagkain ang plato ko na kinanuot ng noo ko napatingin ako dito pero parang wala lang itong pakialam, maya maya nagsalita si lola. "Good to see you're still alive, my granddaughter," Lola said, her gaze fixed on me. "How are you? What's new with you? Seems like nothing's changed." Napahigpit ang hawak ko sa kutsara bago sagutin ang tanong niya. "Okay lang naman po ako, Lola," I replied, forcing a smile. “Okay lang? Talaga? Kasi hindi ka halatang okay, payat ka na,” matigas na sabi ni Lola. Hindi na niya kailangan pang sabihin pa. Kita naman sa itsura ko. Kita sa mga mata ko. Kita sa paraan ng paghawak ko sa kutsara na para bang anumang oras ay puputok na ito. Napa-kuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. Gusto kong magalit, pinipigilan ko lang sumabog dahil ayaw kong gumawa ng eksena. Bigla, may humawak sa kamay ko. Napatingin ako para makita kung sino si Yuna pala. Hindi siya nakatingin sa'kin, diretso ang tingin niya kay Lola, at nagsimula na siyang makipag-usap sa kanya, binago niya ang takbo ng usapan. Ang ginawa niya ay binigyan ako ng kaunting oras para pakalmahin ang sarili ko. Isang tahimik na pag-alalay sa gitna ng tensyon, isang kilos na hindi ko inaasahan, pero tahimik kong pinasalamatan. Tahimik lang akong nakaupo at kumakain nagutom ako eh ba't ba. Maya maya dumako ang tingin nila sa'akin. Tinanong ako ng tatay ni Yuna kung nag-aaral pa raw ako pero si Yuna ang sumagot. Sabi niya, isa raw ako sa mga student niya then nagtanong naman ang lola ko kung kumusta ako sa klase. Sasagot na sana ako ng magsalita si Yuna at sinabi dito na isa ako sa excellent niya na dapat lang daw sabi ni lola. Nakakarami na siya ah ayaw ba naman ako pasalitain. Maya maya mama niya naman ang nagtanong. Tinanong kung ano raw ba ang course ko na siya namang sinagot ni Yuna ng nursing. Tsk, nakakarami na talaga siya, I'm not mute. “Ang galing naman pala nitong twin mo Jace. sabi ng nanay ni Yuna na inagrehan naman ng tatay nito. “Siyempre naman tita mana yata 'yan sa'kin! diba bunso?” nakangiti sabi nito. Tumango lang ako kahit hindi naman totoo. Alam ko mga pinaggagawa nito sa campus. Sumunod na tanong nila, kung may girlfriend na ba ako. Ako na naman nakita nila. Sasagot na sana ako nang maunahan na naman ako ni Lola. "Paano magkakagirlfriend 'yan kung..." hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sumabat si Kuya Jace, "Lola!" Sinalubong ni kuya Jace ang tingin ni Lola, halatang nag-aalala na baka masyadong umusok ang usapan. "Lola, hindi mo na kailangan pang ipagsabi 'yan," sabi niya sa mahinang boses. Ngunit ngumiti si Lola, na halata namang kaplastikan lang. sinagot nito si Kuya, "Masyaado ka namang protective diyan sa kambal mo, Jace. Wala naman akong sasabihing masama." Pagkatapos, humarap siya sa pamilya ni Yuna at sinabi, "I'm sorry about that." Nang matapos ang usapan, tumayo na ako. Excuse me po," sabi ko, nag-bow pa ako bilang paggalang. Thank you for the food and your time." "Babalik po muna ako sa mga kaibigan ko," dagdag ko. "Sige, bunso! Enjoy the party!" sagot ni Kuya Jace na may ngiti sa kanyang mukha. Habang naglalakad ako palayo, nakaramdam ako ng ginhawa. Ang totoo ayaw ko ng magtagal pa sa dun dahil baka hindi ko na kayanin. Nakita ko sila Mel sa kabilang lamesa kasama si Miss Addison. Pinuntahan ko ang mga ito. "Jaycee! Ang tagal mo naman!" sabi ni Mel. "Wow kung makasabi ka ng matagal ako ikaw kaya pumayag na sumama ako kay kuya" sagot ko. "Hehe, sorry na alangan naman tumanggi ako eh kuya mo 'yon, anyways kumusta naman?” "Okay lang," sagot ko. "Pero medyo nakakapagod." "Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Miss Addison. "Basta po, mahabang kwento, hehe" sagot ko. "Tara oh, shot nalang natin 'yan," sabi ni Mel at inabutan ako ng Margarita. Sinimulan kong inumin ang margarita. Medyo mapait pero masarap. "Oh? Anong klaseng mahabang kwento 'yan ha?" tanong ni Mel, habang nakikinig sa usapan namin ni Miss Addison. "Basta," sabi ko, ngumiti. Inubos ko na ang margarita. "Isa pa nga!" "Sige," sabi ni Mel, at inabutan ako ulit ng margarita. "Pero dahan-dahan lang ha? Baka mamaya hindi mo na kaya." "Okay," sagot ko. At ininom ko ulit ang margarita, pero this time dahan-dahan na. "Mel nasaan nanga pala 'yung dalawang kaibigan mo kanina na pinakilala sa'kin?” "Ay, 'yun? Umuwi na, sa bahay na raw sila gagawa ng milagro," natatawang sabi ni Mel. Nilakihan ko siya ng mata. "Hoy, gaga ka! Nandito si Miss Addison, oh! Mahiya ka naman kay Miss Addison” "Sorry ate!" sabi ni Mel, sabay peace sign kay Miss Addison. "Joke lang yun!" Miss Addison chuckled. "It's alright," she said, shaking her head slightly. "I've heard worse." "See? Wala namang problema," Mel said, giving me a playful nudge. "Tara, shot pa!" I laughed. "Sige, isa pa. Pero konti na lang ha? Baka hindi mo na kayanin" “Wow, ang kapal mo naman,” tinawanan ko na lang siya. Maya-maya ay tumayo si Miss Addison. “Let’s dance, Jaycee,” she said, extending her hand to me. Nag-aalangan pa ako, pero kinuha ko rin ang kamay niya. Pagkapunta namin sa dance floor. Dinama namin ang ritmo ng musika, medyo clumsy pagdating sa pagsasayaw, pero si Miss Addison ang nag-lead. Habang sumasayaw kami ni Miss Addison, bumilis ang t***k ng puso ko nang magpalit ang tugtog. Mas chill na at perfect for a slow dance. Napadako ang tingin ni kuya Jace sa akin at nginitian lang ako nito. Kumunot naman ang noo ko ng mapatingin sa posisyon nila. Ang sweet nilang tignan. Nakahawak si Kuya Jace sa bewang ni Yuna, at nakasandal naman si Yuna sa kanya habang nagsasayaw sila. May konting bitterness akong naramdaman, hindi naman masakit. Maya-maya, ang smooth ng pagpapalit ng partner. Parang magic! Si Kuya Jace, kay Miss Addison na; at ako naman, kay Yuna na! Ang bilis ng pangyayari. Biglang ang awkward ng feeling ko. Kasayaw ko si Yuna, at ang puso ko’y parang sasabog sa kilig at kaba. Iniiwasan kong makipagtitigan sa kanya, ayaw kong makipag-staring contest, hindi ko kaya! Binaling ko na lang sa ibang sumasayaw ang atensyon ko nang marinig ko ang malamig at walang-emosyong bulong niya. “Stop looking at others. Just focus your eyes on me.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Pero bago pa ako makapag-isip, naramdaman ko na lang ang kamay ni Yuna sa kamay ko. Hinila niya ito at inilagay sa bewang niya. Pagkatapos, inilagay niya ang mga kamay niya sa batok ko, ginagabayan ang mga kamay ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Bigla itong lumapit sa tenga ko at bumulong, “Much better.” Nawala ang awkwardness, napalitan ng kakaibang init. Tapos, tumawa siya ng mahina. Ang boses niya'y walang emosyon. "Namumula ka," bulong niya, pero hindi ko mabasa ang nararamdaman niya sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang init ng katawan niya sa tabi ko at ang bango ng kanyang buhok. Parang gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit. Pero sa halip, sumunod na lang ako sa bawat galaw niya. Hinayaan kong gabayan niya ako sa bawat hakbang. Dinama ko ang bawat nota ng kanta, at parang kami na lang dalawa ang tao sa paligid. Ang sarap ng pakiramdam. Parang lumulutang ako. Nang matapos ang kanta, hindi ko agad siya binitawan. Para bang may magnet na pumipigil sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya, hinihintay ang susunod niyang gagawin. Ang mga mata niya, kahit walang emosyon, ay tila nakakabighani. Parang hinihigop ako ng mga iyon. Maya-maya pa, marahan niyang inalis ang mga kamay niya sa batok ko. Hindi siya nagsalita, at agad na bumalik sa pwesto nila kanina. Naiwan akong tulala at ang puso ko'y mabilis pa rin ang t***k. Bumalik na rin ako sa pwesto namin ni Addison, at naabutan ko siyang nakaupo roon, kasama si Mel. Bigla na lang nagsalita si Mel, inaasar ako. "Mukhang nag-enjoy ka sa sayawan ninyo ni Ate Yuna, halos hindi mo na siya bitawan kahit tapos na ang kanta!" Namula ako sa sinabi niya. Iniba ko nalang ang usapan. “Himala sa’yo na hindi ka naghahanap ng babae ngayon, dahil ba nandito pamilya mo?” natatawang sabi ko. “Tsk, ‘wag mong ibahin ang usapan,” sabi ni Mel at ngumisi. Pero bago pa ako makasagot, sumabat si Addison. “Tama na nga ‘yan, Mel. Uminom na lang tayo.” Uminom na lang kami nang uminom. Si Mel ay medyo nahilo na, pero ako at si Addison ay okay pa naman. Maya-maya, lumapit ang kuya ko sa amin. “Jaycee, pwede mo bang ihatid si Yuna? Turo nito kay Yuna sa kabilang table. "Mukhang nakarami na siya ng inom, at kailangan ko pang mag-stay para sa party.” Hindi na ako nakapagprotesta pa. Alam kong hindi ako makakatanggi sa kuya ko. “Sige, Kuya,” sagot ko na lang. Pagkatapos, tumingin ako kay Miss Addison walang maghahatid kay Mel siya na lang kaya? “Miss Addison, pwede mo po bang ihatid si Mel? Mukhang lasing na po siya.” Ngumiti si Addison at tumango. “Sige, ako na bahala sa kanya.” Nagpasalamat lang ako dito at pinuntahan si Yuna. Nang makalapit ako, nakita kong umiinom pa rin siya. Nang iinumin na niya ang nasa baso, agad kong inagaw iyon. “Ah, marami ka ng nainom, Miss Kim,” sabi ko. Tinungga ko ang laman ng baso, at tumingin ulit kay Yuna. “Uuwi na kita, tara na.” “To your brother's house? tanong ni Yuna, medyo malalasing ang boses. Kumurap-kurap pa siya. "Ah, okay, Let's go," bulong niya, mas lalong sumandal sa akin. Hindi naman halatang excited siya. Hinawakan ko siya ng mas mahigpit, para hindi siya matumba. “Sinabi sa akin ni Kuya Jace na iuwi kita dahil kailangan pa niyang mag-stay dito sa party at hindi ka niya maiihatid,” paliwanag ko. Hindi siya nagsalita, pero ramdam ko ang pagka-antok niya. Naglakad kami papunta sa kotse niya, inabot naman nito agad sa'kin ang susi ng kotse niya. Tinulungan ko siyang makapasok sa passenger seat. Habang ina-buckle ko siya, napansin kong nakatingin siya sa akin. Isang kakaibang tingin, halo ng pagkamausisa at isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Bakit, may dumi ba ako sa mukha?” tanong ko, tila naguguluhan sa kanyang titig. Sa wakas, nagsalita siya, pero nanatili ang poker face. “You’re so pretty and handsome at the same time. That’s why my cousin likes you,” sabi niya, ang boses ay halos pabulong na. Pagkatapos ay tumingin na siya sa bintana, ang ekspresyon ay nananatiling hindi mabasa. Hindi ko narinig 'yung huling sinabi niya hindi na ako nagtanong. Ang ganda niya, pero ang cold niya. Pinaandar ko ang makina at nagsimulang magmaneho. Tahimik lang buong biyahe. Sinulyapan ko pa siya pero tulog na. Ang payapa ng mukha niya. Ang haba ng pilikmata niya. Ang ganda… Aish! Jaycee! Focus! Saway ko sa sarili ko. Hindi ito ang oras para humanga sa kagandahan niya. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap pala mag-isip kung ang katabi mo ay isang anghel na natutulog. Maya-maya, napansin kong medyo nakasandal na si Yuna sa akin. Dahan-dahan kong inayos ang pagkakasandal niya. Ang bango niya. Parang vanilla at lavender. Bigla akong nahiya. Ano ba 'tong ginagawa ko? Ang gulo-gulo ko na nga, nagiging stalker pa ako. Pero ang hirap talagang pigilan ang sarili. Ang ganda kasi talaga ni Yuna. Napailing na lang ako. Kailangan kong mag-focus sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD