Kabanata 14
Madilim, mga kandila lang ang ilaw. Pagkatapos ng nangyari ay bigla itong nagsalita.
“Jaycee,” panimula niya, mahina lang yung boses niya. “Alam ko, biglaan ‘to… pero mula noong una kitang makita, alam ko na…”
Kinuwento niya kung paano niya ako nagustuhan, 'yung mga detalye na hindi ko nga alam basta na love at first sight daw siya no'ng unang pagkikita namin sa campus.
Naalala ko yung mga sinabi niya, pero parang ang bilis ng pangyayari. Parang nanonood lang ako ng movie.
Pagkatapos, wala na akong masabi.
Napayuko na lang ako. “Sorry,” yun lang ang nasabi ko. “I'm sorry Miss Addison, hindi ko alam ang gagawin ko.”
Naguguluhan ako. Nasasaktan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
“Miss Addison,” sabi ko, mahina lang. “Hindi ko po masusuklian ‘yan. Wala po akong nararamdaman para sa inyo. Kaibigan lang po ang tingin ko sa inyo.”
Tumayo na ako at lumabas ng room. Naglakad ako, iniisip yung mga sinabi ni Miss Addison. Ang gulo-gulo ng isip ko. Parang may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko.
Tapos, biglang may nakasisilaw na liwanag sa harap ko. Isang sasakyan. Ang bilis ng takbo. Sinubukan kong umiwas, pero… huli na. Narinig ko ang tunog ng preno, tapos… wala na. Kadiliman.
Unti-unti, naramdaman ko ang malamig na semento sa pisngi ko. Ang sakit ng ulo ko, parang sasabog. Nakadilat pa ang mga mata ko, pero malabo ang lahat. Narinig ko ang malabong mga boses.
“…Omygosh Jaycee, is that you!?”
Isang babae. Nakita ko siyang bumaba ng kotse. May kasama siyang lalaki, 'yung nagmamaneho siguro.
“Look what you did, Jace! Carry her, we need to bring her to the hospital!”
Binuhat ako nung lalaki. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko. Napatingin ako sa mukha niya. Nagulat siya ng tumingin siya sa akin.
“You know her, Yuna?”
Yuna? Pamilyar ang pangalang Yuna.
“Yes, she’s my student,” sagot nung babae.
“Why do I look like her?” tanong nung lalaki.
“I don’t know, okay? Let’s not talk about that. We need to go.”
Pagkatapos nun, wala na akong maalala. Nawalan na ako ng malay.
Pagmulat ko ng mga mata, puro puti ang nakikita ko. Magaan na ang pakiramdam ko. Pero… may kakaiba.
Biglaang bumalik ang lahat. Ang pagkabata ko. Ang mga magulang ko. Ang araw na nawala sila. Ang aksidente. Lahat-lahat. Parang isang pelikula na biglang na-rewind, na-play nang mabilis, tapos… ayun na. Nasa akin na lahat. Ang sakit. Ang saya. Ang lungkot. Lahat. At sa gitna ng lahat ng alaalang bumalik, isang mukha ang lalong luminaw… ang mukha nung lalaki na nagbuhat sa akin. Parang… kilala ko siya…
Isang pangalan ang bumulong sa isipan ko. Jace… Biglaang sumagi sa isip ko ang mga alaala ng isang kakambal. Isang lalaki. Isang mukha na halos eksaktong kopya ng akin. Isang taong hindi ko na maalala… hanggang ngayon.
Siya… ang kuya ko… ang kakambal ko… si Jace. Ang mga luha ay pumatak sa aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil sa sakit, sa saya, o sa gulat. Pero alam ko… alam ko na may isang malaking piraso ng aking buhay na muling nagbalik. At handa na akong harapin ang lahat.
Ngunit ang aking mga iniisip ay biglang naantala ng isang katok sa pinto. Napatingin ako sa pinto, at nakita kong unti-unting bumukas iyon. Si Miss Kim. Si Yuna. Nakatayo siya roon, ang mukha ay puno ng pagtataka at pag-aalala.
"Jaycee?" tanong niya, ang boses ay puno ng pag-aalala, may dala pa itong basket na may prutas at bulaklak.
"Are you okay now? Why are you crying?"
Pinunasan ko ang aking mga luha, naguguluhan. "What are you doing here, Miss Kim?" tanong ko, ang boses ko ay medyo matigas. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Ito lang ang naisip kong itanong. Ang daming tanong sa isip ko, pero ito lang ang lumabas.
Si Miss Kim, lumapit siya sa akin. May pag-aalala sa mukha niya, pero parang may iba pa… parang may guilt? Nag-aalangan siya sandali bago magsalita. Mahina lang ang boses niya, parang pinipigilan niya ang pag-iyak.
"Jaycee," panimula niya, "You've been unconscious for a week. I'm so glad you're awake. I'm sorry, Jaycee. I'm sorry."
Gano'n ba ako katagal natutulog?
"Bakit ka nagsosorry, Miss Kim?" tanong ko, naguguluhan. "Wala ka namang nagawa ng kasalanan."
"I did," sagot ni Miss Kim, ang boses niya ay nanginginig. "Nabangga ka ng kotseng sinasakyan namin, but I'm not the driver. It's Jace who was driving the car. You were walking, and Jace didn't notice you still it's our fault. I'm so sorry, I'm really sorry!" Tumulo na ang mga luha niya.
Ang puso ko ay parang tumigil sa pagtibok. Ang mga alaala ng aksidente ay bumalik—ang nakasisilaw na ilaw, ang tunog ng preno, ang malakas na paghampas. Ang mukha ni Jace na nakikita ko sa mga alaala ko… ang mukha ng lalaking nagbuhat sa akin…
"Jace," bulong ko. "Jace is the name of my twin brother."
Miss Kim's eyes widened. "But… when I asked you last time, you said you didn't have any siblings?"
Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gulo ng nakaraan ko. "I don't know if it's the right time to tell you this," panimula ko, ang boses ko ay nanginginig. "But I guess… yeah. It's been a year since I got into a car accident. That accident… it made me lose my memory. And then… this accident… it brought everything back. I don't even know why I'm telling you all this… I guess you just need to know."
Tumulo na ang mga luha ko. Ang bigat ng lahat ng nangyari, ang gulo ng mga alaala, ang sakit—sobrang dami. Nararamdaman ko ang braso ni Miss Kim na nakapalibot sa akin, parang nagbibigay ng comfort.
Biglang bumukas ang pinto.
He really looks. like me siya na yata ang twin brother ko si Kuya Jace.
Nakatingin siya sa amin, gulat na gulat. Nakita niya si Miss Kim na nakayakap sa akin, nakita niya ang mga luha ko. Parang may silent understanding na naganap sa pagitan nila. Ang eksena ay puno ng mga hindi nasasabi, ng guilt, ng sakit, at ng isang magulo at nakaraan na nagsisimula nang mag-unravel. Napahiwalay agad siya sa yakapan namin.
"Kuya Jace!" I called out, my voice trembling.
Si Kuya Jace ay nakatayo sa pintuan, ang mga mata'y nanlalaki sa gulat. Tinitigan niya ako, ang mukha'y pinaghalong hindi makapaniwala at saya.
Isang hakbang ang inilapit niya, ang boses ay halos pabulong na lamang: "Jaycee? Ikaw nga?" Kumikinang ang mga mata niya, ngunit may bahid din ng pag-aalala.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "I missed you so much," bulong niya, ang boses niya ay puno ng emosyon. Tumulo ang mga luha niya.
Humiwalay siya ng bahagya, ang mga mata niya ay nakatingin sa akin, at nagtapat siya, ang boses niya ay halos hindi na marinig: "Akala ko... akala ko wala ka na... I thought... I thought you were gone like Mom and Dad..." Napahinga siya ng malalim, pinipigilan ang pag-iyak.
Tahimik lang kami sandali. Lumapit si Miss Kim nasa gilid lang ito nakatayo at mukhang confuse sa mga nangyayari.
"Kailangan nating mag-usap," sabi ni Kuya Jace, tumingin sa akin. "Lahat."
Tumango lang ako. Sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Masaya ako, pero malungkot din. Ang gulo-gulo.
Maya-maya, hinawakan ni Kuya Jace ang kamay ko. "Jaycee, may ipapakilala ako sa 'yo."
"Tumingin siya kay Miss Kim, tapos bumalik ang tingin niya sa akin."Si Yuna, girlfriend ko,' pakilala niya."
Now it make sense kaya magkasama sila ni Miss Kim.
Nakatingin lang si Miss Kim, ang mukha ay walang ekspresyon. Malamig, parang bato. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ang dami kong tanong. Ang dami pang nangyari.
Ang confession ni Miss Addison, tapos ngayon naman sina Kuya Jace at Miss Kim... naguguluhan na ako. Sumakit ang ulo ko. Parang sasabog. Napapikit ako, at nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Kuya Jace.
"Okay ka lang ba?" tanong niya. "Parang masama ang pakiramdam mo." Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng takot.
“Tatawag lang ako ng doctor,” sabi nito at umalis na. Naiwan akong mag-isa.
Maya-maya, lumapit si Miss Kim. Tumayo lang siya sa gilid ko, nakatingin sa akin. "How are you? May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Wala pa ring emosyon ang mukha niya. Parang may gusto pa siyang sabihin, pero hindi niya magawang magsalita. Sasagot na sana ako sa tanong niya ng bigla, dumating ang doctor kasama si Kuya Jace nagulat ako siya 'yung doctor kahapon si Doc. Javier.
“Can you give us a minute? We need to check the patient” sabi nito kay kuya Jace.
Tumango naman ito at lumabas na silang dalawa ni Miss kim.
Then Doc Javier looked at me seriously. "Jaycee," he began, "Kamusta ang pakiramdam mo?"
Sinabi ko sa kanya na hindi na gaano kasakit ang ulo ko. Napahawak pa ako sa ulo ko—may benda pala! Hindi ko man lang napansin o naramdaman.
He then quickly asked me a series of questions, his focus intense. I answered about my returning memories, and he nodded curtly. "Good. We need to run some tests immediately."
Pagkatapos ng mga pagsusuri, lumabas na ang doktor. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakita kong nag-uusap sila ni Kuya Jace.
Ilang minuto ang lumipas, pumasok si Kuya Jace, mag-isa na lang siya.
"Nasaan si Yuna?" tanong ko.
"May pasok pa raw siya, kaya umalis na," sagot ni Kuya. Umupo siya sa tabi ko. "Sabi ni Doc, gumagaling ka na raw. Kailangan mo lang magpahinga, at pwede ka nang umuwi."
A wave of relief washed over me, but I also felt a strange sense of unease.
Kuya Jace tapped my head gently. Napangiwi ako, kunwari masakit pa kahit hindi naman na, nag iinarte lang ako.
"Opps, sorry," natatawa niyang sabi, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. "Masakit pa ba?"
Umiling ako, isang ngiti ang sumilay sa aking labi. "Biro lang, Kuya Jace. Okay na ako.
Osiya, magpahinga ka na lang ha? You need to rest then after that uuwi na kita sa bahay," sabi niya, hinahaplos ang buhok ko.
Hinalikan niya ako sa noo. "Babalik ako mamaya."
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa dahil kanina pa ito tumutunog. Then he left, leaving me alone in the quiet room. Nagpahinga nalang lang, ako at ipinikit ang mga mata ko.
-----
Nagising ako dahil sa ingay parang may nagtatalo ng buksan ko ang mata ko nakita ko si Mel, Addison at Yuna. Anong ginagawa ng magpipinsan dito.
“Tumigil na nga kayo, nagising tuloy si Jaycee,” sabi ni Mel at pinaghihiwalay ang dalawa.
“Pasensya na, Jaycee, ganyan talaga sila mag-bonding,”
Masamang nakatingin si Miss Addison kay Miss Kim si Miss Kim naman naka poker face lang dito tapos ng marinig nila sinabi ni Mel bigla silang tumingin sa'king dalawa.
“Hi, sweety” sabi ni Miss Addison
Bumati lang ako sakanya pabalik. Si Miss Kim naman nakatingin lang sa'kin ng walang emosyon.
“Ano palang ginagawa niyo dito Mel? tanong ko kay Mel na kumakain ng mansanas habang hinihiwa ito.
“Melissa hindi naman 'yan para sa'yo! Para kay Jaycee 'yan bakit mo kinakain!” sabi ni Miss Addison tapos hinablot sakanya 'yung mansanas. Tinawala ko nalang siya hindi na siya nakapagreklamo e. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
“Nandito ako para bisitahin ka pasalamat kanga binisita pa kita dapat pala hindi na lang!” sabi nito na naiinis.
“Salamat naman kung gano'n pwede ka na umalis” pagbibiro ko.
Hinampas ako nito bigla. “Tsk, nakakainis ka naman eh! ”
"Stop hitting her, you know she's not yet okay." pagsaway sakanya ni Miss Kim.
Ang gaga natakot. Naka poker face ba naman si Miss Kim sakanya.
“Where's kuya Jace, Miss Kim?” tanong ko kay Miss Kim at sakto naman dumating si Kuya.
“Are you looking for me, my dear little sis?” tanong nito ng nakangiti then napatingin siya kay Miss Addison at Mel.
“Hi, Ma'am Addison and Mel!” bati niya sa dalawa.
Kilala niya pala ang dalawa. Malamang pinsan ng girlfriend niya, pakikipagtalo ko sa isip ko.
Napansin kong nag-iba ang atmosphere nang dumating si Kuya Jace. Parang naging kalmado lahat.
“Hey, what’s going on?” he asked, noticing the tension.
Nagkibit balikat lang ako kay kuya dahil hindi ko naman talaga alam ang nangyari. Lumapit siya sa'kin.
“How are you feeling? Okay ka na ba?” tanong nito.
“Okay na okay kuya gusto ko nanga lumabas dito eh.” Ginulo nito buhok ko.
“Kuya naman eh!” pagrereklamo ko.
Bigla naman nagsalita si Mel.
“Jaycee paano na 'yong apartment mo at gamit? Lilipat ka na ba?” sunod sunod na tanong nito.
“Ipapakuha ko na lang mga gamit niya sa driver ko.” si kuya na sumagot.
“Hindi ko akalain na kapatid mo pala itong boyfriend ni ate Yuna. Magkamukhang magkamukha nga talaga kayo pero mas better version ngalang si Jaycee” sabi nito.
Pero sa pinakahuling sinabi nito ay halos pabulong na lang hindi ko alam kung narinig ni Kuya sinabi niya pero pinanlakihan ko nalang siya ng mata.
“Since you're okay now uuwi na tayo.” nakangiting sabi ni Kuya sa'kin.
“Aye aye captain” sumaludo pa ako sakanya na tinawanan niya lang.
Maya maya ay nagsialisan na sila si Mel ay nandito pa kinakausap ako.
“Hindi ko talaga akalain na 'yong playboy at cheater sa campus ang twin brother mo!” sabi ni Mel na tila naiinis.
“Mel, hinaan monga 'yang boses mo kuya ko pa rin siya”
“how come na magkaiba kayo ng ugali gayong mag kapatid naman kayo?”
“I don't know okay, but I swear hindi ganyan si Kuya no'n mabait 'yan eh.”
“Diba nakwento mo na nawala ang mga magulang mo dahil sa car accident baka dahil dun kaya siya naging ganyan” seryosong sabi nito.
“May point ka Mel possible nga na gano'n, kahit ako no'ng malaman kong nawala si Mom at Dad halos hindi ko kayanin si Kuya pa kaya na nawalan ng magulang at kapatid” mahabang sabi ko.
“Pero sana magbago pa siya dahil sinabi monga na hindi naman talaga siya gano'n” Mel said.
“Ako bahala kay kuya for sure titino 'yan” sure na sabi ko.
Tinawanan lang ako nito.
“Mauna na ako ha? Kita nalang tayo sa school marami kang need habulin isang linggo ka rin nawala” pahabol pa na sabi nito at umalis na.
Nang makaalis na ito ay pumasok na ako sa banyo at nagbihis na ako at lumabas na, sinuot ko lang ang binigay na damit sa akin ni Kuya. Buti naman hindi dress naalala niya pa na ayaw kong nagsusuot ng dress.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nakatayo si Miss Kim sa harap ng banyo.
“Uhm, Hi Miss Kim. Gusto niyo po bang gumamit ng banyo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at hinila lang ako niya ako papasok sa loob.
“Miss Kim ano po bang problema niyo?” tanong ko pero napahinto din agad ako. Umiiyak siya sa dibdib ko, kitang kita ko ang pagtaas baba ng balikan niya.
“Miss Kim, ayos lang po ba kayo?” nag aalalang tanong ko.
Iniharap ko siya sa akin at pinunasan ang luha niya.
“Stop crying, okay? Tell me, anong problema, Miss?” nakatitig lang ako sa kanya. Maya-maya, bigla niya akong hinalikan.
“Whoa!” Natulala ako. Anong nangyari? ‘Yun ba… ‘yun ba senyales na gusto niya ako? O iba ang ibig sabihin nun? Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak niya, at nanginginig ang katawan niya sa pagkakayakap sa akin. Nararamdaman ko ang init ng balat niya sa akin, at ang pabango niya ay nakakahumaling. Naguguluhan ako, pero… excited din?
Marahan kong hinawakan ang mukha niya, ang mga hinlalaki ko ay marahang dumadausdos sa kanyang pisngi, sinusubukan siyang pakalmahin. Ang mga mata niya, namumula at namamaga dahil sa pag-iyak, ay tumingin sa akin. May kahinaan sa kanyang tingin na nagpasakit sa puso ko. Gusto ko siyang aliwin, para makaramdam siya ng ligtas. Pero ang halik na ‘yun… nakalutang pa rin sa hangin sa pagitan namin, isang malaking tanda ng pagtatanong.
Tumingkayad si Miss Kim, saka niya inilagay ang dalawang kamay niya sa batok ko. Hinalikan niya ako ulit.
Iba na ang halik na ito. Mas matindi, mas determinado. Mahigpit na nakadampi ang mga labi niya sa akin, at nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan sa akin. Nagulat ako, pero hindi ako umatras. Sa halip, nakita ko ang sarili kong nakasandal sa kanya, tumutugon sa kanyang paghawak. Nagulat ako kung gaano kadali akong sumuko sa sandaling ito, sa pakiramdam ng kanyang mga labi sa akin.
Lalong lumalim ang halik. Naramdaman ko ang dila niya sa labi ko, at kusang gumalaw ang dila ko, nakisabay sa kanya. Parang nawala ang lahat sa paligid, kaming dalawa na lang ang nandun. Hinawakan ko siya sa baywang, hinila palapit sa akin. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Parang may kung anong gumuhit sa akin, parang gusto ko pa ng higit pa. Pero bigla na lang siyang humiwalay. Pareho kaming hingal na hingal. Tumingin kami sa isa’t isa. May kakaiba sa mga mata niya, pero hindi ko alam kung ano. Pero alam ko, may nagbago na sa amin.
Biglang may tumawag sa kanya. It was kuya Jace. Hinahanap siya nito pagkatapos ng halikan namin ay iniwan na lang niya ako bigla. Narinig ko pa ang usapan nila ni Kuya.
“Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Si Jaycee ba nakita mo?” rinig kong tanong ni Kuya at hindi ko na narinig ang sunod na pag-uusap nila siguro ay lumabas na sila.
Naiwan akong gulong-gulo. Masaya ako, pero naguguluhan din. Excited ako, pero may lungkot din. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ‘yun. Pero sa ngayon, ang sarap isipin ang halik niya, at ang pakiramdam na malapit kami sa isa’t isa.