CHAPTER 1 - ATE GIRL
JAKI POV
Waaah hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Maloloka na ata ako! Nakaka stress!
"ATE GIRL!"
"NASAN KANA ATE GIRL?"
"WAG KANG MAGPAPATALO!"
"MAS BAGAY KAYO NI VICE!"
"GUSTONG GUSTO KO ANG TAMBALAN NYO ATE GIRL NI VICE GANDA"
"VICEJACK"
iilan lang yan sa mga nababasa kong comment sa mga social media. Pati sa sarili kong account sabog ng notif at messages. Syempre kung may positve comment, meron din namang negative comment
"BAKLANG BAKLA SI VICE GANDA KAYA HAYAAN MO NA SYA KAY ION"
"MAS BAGAY SI ION SAKA SI VICE"
"PAREHO KAYO BABAE NI VICE GANDA KAYA PAREHO LALAKI ANG HANAP NYO"
itinigil ko na ang pagbabasa sa mga comment ng mga tao at in-off ang laptop maging ang cp ko
Napasalampak ako ng higa sa kama at inisip ang mga nangyari this past 3 months.
Sa tatlong buwang lumipas ang daming nagbago. Binago nito ang buhay ko at hindi ko naisip na mangyayari agad to sa akin. Yung tipong agad agad.
Isa kasi akong blogger sa youtube at nagtyaga ako ng tatlong taon para sumikat/makilala ng mga tao at ang ibinansag nga nila sa akin ay si ATE GIRL.
si ate girl na hugutera. Na huhugot ng huhugot kung may pagkakataon
Pero ang maging katandem ng isang Vice Ganda sa isang segment sa its showtime ay inabot lang ng tatlong buwan para maging upside down ang aking buhay
Knock knock
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakahiga at nakatingin sa kawalan ng may kumatok sa pintuan kaya agad akong napabangon at binuksan ang pintuan
"Oh ma?" tanong ko kay mama
"Jaki Anak nandyan si Direk Bobet sa baba at gusto kang makausap" mahinang sabi ni mama
Ganyan naman sya palagi eh, akala mo hindi nagagalit. Napabuntong hininga ako ng maalala na nandito nga pala si Direk Bobet
"ok po ma, bababa po ako pagkatapos kong mag ayos saglit" sagot ko at pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili sa full length mirror at nag ayos saglit
"Direk" agaw pansin ko sa kanila para malaman nilang nandito na ako. Naabutan ko kasi silang masayang nagkekwentuhan
"Jaki" nakangiting pagtawag sa akin ni Direk, tumayo naman si mama
"Tara muna James, hayaan muna natin silang dalawa para makapag usap ng maayos" sabi ni mama na agad namang sinunod ni kuya James at umalis nga sila
Sumenyas si Direk na maupo ako sa katabi ng upuan nya na agad ko namang ginawa
"kamusta ka Jaki?" tanong sa akin ni Direk
"ok naman ho ako direk, kayo po?" sagot ko naman
Ngumiti lang naman sa akin si Direk Bobet
"Direct to the point na ako Jaki ha" sabi ni Direk at huminto saglit para iabot ang envelope na hawak nya
"this is an contract" dugtong ni direk at tinap ang brown na envelope "We want you to be part of showtime family permanently Miss Jackie Gonzaga" seryosong dugtong ni direk
"not just 3 months" pabirong hirit pa naman ni Direk kaya naalala ko ang unang pagkakataon na pumirma ako ng kontrata pero 3 months Lang
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Direk
"and Vice Ganda will manage you, both you and Ion Perez" nawala ang ngiti sa aking labi sa sinabi ni Direk at napalitan ng pilit
"The Miss Q and A segment will be continue para sa mga reresbak at pati narin ang munti nyong palabas ni Vice Ganda ngunit kasama na dito si Ion Perez" paliwanag pa ni Direk
Tila ba hindi ko na narinig pa ang iba pang sinabi ni Direk dahil paulit ulit na tumatak sa akin ang salitang
PALABAS
palabas lang naman namin ito ni ate Vice. To entertain the madlang people. Para pasayahin ang manunuod.
Isa lang itong palabas. Biruan lang. Katuwaan lang. Walang personalan at walang seryosohan.
"Jaki?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Direk
"Nakikinig ka ba?" nahihiya naman akong napaiwas ng tingin at narinig ko nalang ang pagbuntong hininga nya
"kapag napirmahan mo na ang kontrata, ibigay mo yan kay Vice Ganda. Sya narin magpapaliwanag ng trabaho mo at ng iba mo pang projects" tumayo si Direk kaya tumayo narin ako
"And please Jaki turn on your cellphone" bilin pa ni Direk at umalis na
Nakatulala lang ako sa pag alis ni Direk
Makakaya ko kaya? Mapipigilan ko kaya? Hindi pa naman ako ganun ka professional sa mundo ng showbiz
"Wow bagong kontrata Jaki?" hindi ko namalayan na naagaw na pala sa akin ni Kuya James ang envelope na naglalaman ng kontrata na binigay saken kanina ni Direk at nabuksan na nya ito at binasa
"Ano ka ba namang bata ka. Wag kang makikialam ng gamit na hindi sayo" suway naman agad ni mama at inagaw sa kanya ang envelop at binalik sa akin ni mama
"Kung ako sayo Jaki bilang kuya mo masasabi ko lang na i push mo na yang magandang opportunity. Abay, minsan lang yan dumating kaya sunggaban mo na" seryosong sabi ni Kuya James
"magpapahinga lang po ako" paalam ko at bumalik sa kwarto ko
Ang dami kong agam agam
Paano kung mahal ko na talaga ang baklang iyon?
Paano kung mahal ko na si Vice?
Kung mahal ko na nga ba sya?
Ano nga ba tong nararamdaman ko?
Oo magandang oportunidad ang inaalok sa akin
Ang akala ko kasi pag natapos ang kontrata ko ay matatapos na rin ang trabaho ko sa showtime
Pero eto kasing nararamdaman ko.
Ang g**o!
Hindi ko mapigilan!
Hindi ko na maintindihan!