CHAPTER 4 - KARYLLE’S HUSBAND

1175 Words
JAKI POV Nandito kami ngayon sa isang villa na pagmamay ari ng mag asawang Karylle at Yael. Nandito din lahat ng mga host ng showtime maging ang girltrends at ang hashtag "mami Vice" salubong sa amin ni Ryan at niyakap si Vice Ganda Nakita kong wala paring imik si Vice at nagsikibit balikat nalang sila Anne "Tara Jaki" nakangiting hinila naman ako ni Anne para ipakilala sa iba   ang init ng pag welcome nila sa akin at hindi matapos tapos ang kasiyahan, kainan, inuman. Hindi naman ako na op sa kanila "Kamusta naman ang may buhay asawa Karylle?" si Anne ang nagtanong "yeah kamusta si Yael bilang asawa? we didnt know him yet kaya magkwento ka" sigunda naman ni Coreen nakita kong napasulyap si Karylle kay Vice or guni guni ko lang iyon? "hes good naman though busy sya dahil nga businessman" simpleng sagot ni Karylle "Is he a good kisser? or good in bed?" natahimik kaming lahat ng magsalita si Vice, napaka seryoso at halata mo dito na lasing na sandali kong nakita ang kirot sa mga mata ni Karylle or guni guni ko nanaman ba iyon? lasing na ata ako "Oo naman ano ka ba" kinikilig na sabi ni Karylle kaya napuno naman sila ng harutan Sa pagtayo ni Vice ay akala namin ay aalis na sya pero tumabi lang pala sya sa akin "Hi Jaki im Vice *hik*" lasing na nga ang bakla "Alam ko Vice" nakangiting sagot ko napatingin ako sa cellphone ko ng tumawag si Kuya James "Boyfriend?" tanong ulit ni Vice "Hindi po kuya ko, excuse me" sabi ko at lumabas muna banda sa may swimming pool nakasuot akong b*a at sexy maong shorts at see through na puting kardigan na binigay sa akin ni karylle dahil nga nag swimming kami kanina "Nasan ka? uuwi ka na ba? Sunduin kita?" sunod sunod na tanong ni Kuya James alas dyis na pala ng gabi hindi ko namalayan ang oras "Nandito kami kuya sa villa nila Karylle, kasama ko yung mga host ng showtime. Send ko nalang sayo kuya ang address punta kana dito uuwi na ako" medyo lasing narin kasi ako at pinatay ang tawag pagbalik ko sa loob ay nandito na si Yael yung asawa ni Karylle "hon si Jaki bagong loveteam ni Vice sa showtime" pagpapakilala sa akin ni Karylle sa asawa nya, naka suit pa ito halatang kakauwi lang galing trabaho "Jaki po" "Yael" at nag shake hands nga kami "Oh sya mag enjoy kayo dito" pagpapaalam sa amin ni Yael at tumingin ng nagsosorry sa asawa "Hon my meeting kami bukas and i need to review some files" dugtong nito tumayo din naman si Karylle "Saglit lang guys ah" paalam ni Karylle at umalis na nga sila ng asawa nya Kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam narin "Alis narin ako" "Hatid na kita Jaki" may mga nag alok sa akin na ihatid ako pauwi pero tinanggihan ko "Hindi na pupunta naman dito ang kuya ko, hintayin ko nalang sa labas"  "Sigurado ka ba?" tanong ni Anne "Oo thank you" nagpaalam ulit ako at umalis na Bago ako makalayo ay hinabol pala ako ni Vice "Jaki sandali" tumigil ako para makalapit sa akin si Vice "Im sorry if i didnt talk to you earlier wala lang ako sa mood" "Okay lang po Vice" "Ano ka ba wag ka ng mag po sa akin" at may binigay sya sa akin na card "punta ka sa condo ko at pag usapan natin ang palabas natin sa showtime" iyon lang at umalis na sya, napatingin ako sa key card na binigay nya na naglalaman don ang address ng condo nya at ang floor at unit number. Napakibit balikat nalang ako at hinintay na nga si kuya James sa labas. Habang naghihintay ay tiningnan ko isa isa ang mga picture at mga video na kinuha ko kanina, nagpaalam naman ako sa kanila kaya okay lang na i upload ko sa yt ko. Nag edit narin ako ng mga video at picture bago ko iupload ito. 30 minutes na siguro ako ng matapos ako mag edit at magpost ay wala parin si kuya James. Nakaramdam ako ng pag ihe kaya naisipan kong bumalik sa loob. Habang naglalakad ay tanaw kong nagkakasiyahan parin sila, malapit na nga ako sa cr pero medyo madilim dito sa may likod ng makarinig ako ng nag uusap more likely nagsisigawan "ANO BA VICE!" tinakpan ko ang bibig ko at pinigilan ko ang sarili kong makagawa ng ingay. Hindi kaya may relasyon sila Vice at Karylle? "KASAL NA AKO!" Dugtong ni Karylle "BAKIT PWEDE PA NAMAN KITA MAKUHA SA KANYA AH" si Vice at pilit na hahalikan sana si Karylle "TAMA NA VICE! SI YAEL ANG GUSTO NG PARENTS KO!" "WALA AKONG PAKIALAM SA GUSTO NG MAGULANG MO! EH IKAW?! ALAM KONG AKO ANG MAHAL MO!" "BAKLA KA!" Konting katahimikan ang lumipas. Pakiramdam ko ay nanunuod ako ng intense movie dahil ang bibigat ng bawat salitang kanilang binibitawan "OO BAKLA AKO KARYLLE. PERO TAO PARIN NAMAN AKO. MAY PAKIRAMDAM PARIN AKO. NAGMAMAHAL AT MAHAL KITA! BUT YEAH YOUR OLD ENOUGH TO KNOW WHATS RIGHT FOR YOU. BE HAPPY" lalaking lalaki ang boses ni Vice at ramdam mo ang sinseridad at yung sakit na nararamdaman nya Nakaramdam ako ng alerto ng maglakad papalayo si Vice malapit sa gawi ko pero alam ko naman na madilim sa kinatatayuan ko kaya sumiksik pa ako sa gilid at umupo para hindi ako makita Tumigil si Vice at tumingin sa gawi ko, kung alam nyo lang kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Dapat hindi nila ako makita "Tara. Lets give her some space" nakatingin sa akin si Vice at napatingin ako sa kinaroroonan ni Karylle nakatalikod sya at nakatingala sa kalangitan, rinig ko din ang sob nya na halatang pinipigilan ang umiyak nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila papalayo. Wala naman syang kibo hanggang sa pasakayin nya ako sa sasakyan nya "Hop in, ihahatid na kita" seryoso si Vice Nakita kong tumatawag si kuya "H-hindi na nandito na si Kuya James" nauutal ako na para bang nakakita ako ng isang bagay na dapat hindi ko makita Tumakbo na ako palabas dahil nakatingin lang sya sa akin na para bang sinusuri ako "Akala ko ba hihintayin mo ako dito sa labas" si Kuya James na naiinis ngumiti ako ng matamis "Sorry na kuya I love you" malambing kong sabi at nagkiss sa pisingi kay Kuya James "Tsk amoy alak!" At tinulak nya ako paupo sa loob ng sasakyan at sinoutan ng seatbelt umikot si kuya pagkatapos at umupo sa driver seat "Ohh" napangiti ako ng inabut sa akin ni Kuya James ang pagkain na Jollibee. Kilalang kilala talaga ako ni Kuya at alam nya na nagugutom ako at gusto kong kumain pagkatapos kong uminom ng alak o kaya pag nagbabyahe. Napabuntong hininga ako habang nagbabyahe "Problema mo?" Si kuya James at nakafocus sa pagmamaneho "Ang daming nangyari ngayong araw" simula ko "Oo Jaki, sikat kana" masaya para sa akin si Kuya James
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD