Molly Nang makabalik ako, nadatnan ko ang aking mga kaibigan na malakas na nagtatawanan. Nakuha ko naman agad ang atensyon nila. Tumabi ako kay Dee na inabutan agad ako ng alak. "Nakasimangot ka na naman. Nakita mo yung kapatid ko 'no?" tanong ni Dee na halata namang lasing na. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay nilagok ko ang alak na ibinigay niya sa akin. "Bakit kaya hindi nagbabago 'yon?" tanong naman ni Hazel na normal pa. "Ever since nakilala natin siya, isa na siyang walking dick." Nasamid ako dahil sa sinabi ni Hazel. "Siraulo ka talaga." Pare-pareho kaming natawa. "Totoo nga. Wala siyang pinapalampas, bata man o matanda. Go for f**k pa rin siya," ani naman ni Kamille na ginawa ng tubig ang alak na hawak niya. "Anyway, sinabi ko pala kay Dee yung nangyari kanina. N

