WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko.
Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna?
Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Luna sa kanya. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon, naiirita ako at parang kinakatay ang puso ko sa aking nakikita. It appears that Aragon and Luna are more than just friends; it looks like they are in a romantic relationship. It seems like Aragon has strong feelings for Luna. Iyon ang nakikita ko.
Bakit nasasaktan ako?
Katabi ko si Christian na panay ang tanong niya nang pabulong sa akin na sinasagot ko lang ng pagtango at ‘oo’ dahil nga wala ako sa mood. “Wala ka sa sarili mo. Are you okay, Olive?”
“Yeah.” Sagot ko sa walang buhay na boses.
Siniko niya ako ng hindi ko siya tapunan ng tingin. “Why are you looking so upset with worry?”
Hindi ako umimik.
“Bakit hindi mo siya kausapin?”
Napalingon ako kay Christian. “What do you mean?”
Christian gave me a mischievous smile and leaned in close to whispered in my ear. “Baka matunaw sa matalim mong tingin. Gusto mo ba pumagitna?”
Shit! Nahalata pala ni Christian ang klase ng tingin ko kay Luna at Aragon. Nagkibit-balikat na lang ako at saka umalis sa kumpulan. Walang paala akong naglakad patungo sa kitchen upang kumuha ng malamig na tubig.
Kailangan kong magpalamig.
Kailangan kong umiwas.
I was drinking water when someone coughed behind me. Mabilis kong binalingan ang may-ari ng tikhim na iyon at kumunot ang noo ko nang makita ko si Luna na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko at may ngiting nakaplasta sa labi niya pero iba ang sinasabi ng mga mata niyang nakatingin sa mga mata ko.
Kaagad na sumama ang timpla ko. Umiwas na nga ako, tapos sumunod pa siya rito.
Now she's standing before me with a smirk on her face, as if she's hoping to provoke me. She's looking at me expectantly, like she's waiting for me to say something, however I'm not going to answer her bait.
Alam na alam ko ang ganyang klase ng ngiti at tingin.
“Hi,” bati niya at saka muling ngumiti.
Mas lalo akong naiinis. “May kailangan ka?”
She rolled her eyes at me. Ayan na, lumalabas na ang sungay niya. Kung tingnan niya ako mula ulo hanggang paa may kalakip iyon nang pagkamuhi at panghuhusga. Huwag niyang susubukan ang pasensya ko dahil mas malala ako sa kanya.
“Well, I just wanted to tell you that you are a big nuisance in Aragon's life. You never stop pestering him, and it's driving me crazy.” Panimula niya habang masama ang bawat tapon niya ng tingin sa akin. “You know why? Ilang beses mong inilayo sa akin si Aragon. Alam mo bang dapat, nasa Baguio kami ngayon. May Field Trip kami pero sabi ni Tita Cherry, malungkot ka daw at nag-da-drama sa pagkamatay ng mga magulang mo. Kaya dinahilan ni Aragon na dito ang Field Trip namin para lang samahan ka sa mga ka-dramahan mo.”
Hindi ako umimik. Tinggap ko na lang ang mga sinabi niya, wala ako sa mood para makipagtalo kaya sana hindi niya ako piliting ilabas ang sungay kong nakatago pansamantala.
“Wala ka bang ibang pwedeng tawagan na pwedeng mag-comfort sa’yo? Ano ba kasing dahilan ni Aragon para bigyan ka ng oras at effort?” May pagka-disgusto ang bawat pagsuyod ng tingin nito sa akin.
Tiningnan ko lang siya at muling nagsalin ng tubig na malamig sa baso ko.
Nang hindi ako sumagot tumaas ang kilay niya at matalim ang matang tiningnan ako. “Sumagot ka nga! Malandi ka! Ang arte-arte mo.”
Maingat akong huminga nang malalim upang ilabas ang nagpupuyos na galit sa loob ko at buong tapang kong hinarap si Luna. I will not allow her to say such words to me, nor will I accept her treating me as if I am inferior to her. I will not allow her to speak to me in that way.
Kaunti na lang talaga bibinggo na sa akin ‘to.
Inubos niya ang pasensya ko. Edi, simulan namin ang gusto niyang mangyari.
I could feel the blood rush to my face. My temper was boiling up inside me, yet I managed to remain calm and maintain my composure. I didn't want to let her know that she had managed to provoke me.
“I’m so sorry, Luna.” I laughed softly, but sarcastically enough to let her know I wasn't really sorry. “Si Aragon ang kusang lumalapit sa akin. He is always there to help and comfort me. He is always one call away, and I know I can count on him. Mabuti siyang tao kaya dapat lang siyang mapunta sa mabuting babae, okay?”
Nakita ko kung paano manggalaiti si Luna sa galit. “Ano ang gusto mong palabasin? Masama akong babae para sa kanya?”
Ngumisi ako upang mas asarin siya. “Ow, hindi ako ang nagsabi niyan. Ikaw.” Mapang-asar ang tono ng boses na sabi ko.
“b***h-”
“Pareho lang tayo.”
Nakayukom ang palad niya at puno nang galit na nakatingin sa akin. Hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan ako sa kanya, magka-iba lang ang ekspresyon ko sa kanya. Kung siya galit na galit, pwes ako, tuwang-tuwa dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya. Siya ang nanguna pero mukhang siya ang natalo. Poor Luna.
"You, b***h!"
“Yes, I’m b***h, lalo kung ikaw ang kaharap ko!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Umawang ang bibig niya at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin na para bang kulang na lang ay patayin niya ako. “Lumayo ka kay Aragon. Hindi ako makakapayag na makuha mo siya sa akin.”
Tumawa ako nang malakas at seryosong tumingin sa kanya.“Kung wala ka nang kailangan. Umalis ka na.” Walang buhay kong sabi.
Bigla siyang tumawa. “Meron pa akong kailangan.” Aniya. “Kailangan mong matauhan.”
Akmang bubuhusan niya ako nang tubig nang maunahan ko siya.
“Ayy! Aragon!” Nagtitili siya matapos kong ibuhos sa kanya ang tubig.
Ibinuhos ko ang baso ko na may lamang malamig na tubig at kitang-kita ko kung paano siya lamigin dahil bukod sa malamig na tubig ang inihagis ko sa kanya, mas doble ang lamig dahil sa aircon. A satisfied smile appeared on my lips when I saw Luna, who was now yelling like a spoiled and loud brat child.
“Aragon!” She shouted Aragon's name.
Like duh? Akala mo naman aping-api siya.
"What the hell happened here?" Pukaw ni Aragon.
Dali-daling lumapit si Luna sa gawi ni Aragon habang nakatingin si Aragon sa direksyon ko. Huwag lang siyang magsinungaling kay Aragon at sabihing ako ang nanguna, hindi ako magdadalawang-isip na buhusan ulit siya ng malamig na tubig.
“Aragon…” Mahinhin na tawag ni Luna kay Aragon at nagpapaawa siya. “Bi-binuhusan ako ni Olive nang malamig na tubig. Nilalamig na ako... Tara na, umalis na tayo dito.”
Fuck you, Luna! Sinungaling ang bruha! Ang galing-galing niyang umakto na para bang siya ang aping-api at ako ang kontrabida.
“Hey, ikaw ang nauna. Bagay nga sa’yo ‘yan.” Ngumisi ako. “You look like s**t. Ikaw naman ang may gawa niyan sa sarili mo. She’s just acting, Aragon. Pangarap niya ‘yata-”
“Olive!” Suway ni Aragon sa akin. “Enough! Hindi tamang binuhusan mo siya.”
Tinaasan ko nang kilay si Aragon. “Wala akong kasalanan. Siya ang may gawa niyan sa sarili niya. Kung hindi niya ako ginulo dito, hindi ko sana siya nabuhusan ng malamig na tubig at hindi sana siya nag-iinarte ngayon sa harapan mo.” Paliwanag ko kay Aragon.
Nanatili si Aragon na nakatingin sa akin. Pilit kong hinahanap ang emosyon sa mga mata niya ngunit wala akong makita, maliban sa pagkadisgusto sa aura niya. Now, he'll believe Luna over me? I was just defending myself! Bakit pa nga ba ako magtataka na mas paniniwalaan niya si Luna. Mukha namang patay na patay siya sa babaeng ‘to.
“Why explain to me? I don’t need your explanation.” Malamig ang tono ng boses niya.
“Bud, bakit hindi mo muna pakinggan-”
“Shut up, Christian.” Pigil ni Aragon kay Christian kaya wala itong nagawa kundi manahimik.
He doesn't need my explanation, which means he believes in Luna? Gago!
Tumalikod ako. “Umalis na kayo.”
“Paalisin mo talaga kami nang ganito si Luna?” Hindi makapaniwalang tanong ni Aragon.
Nanatili akong nakatalikod. “Kukuha ako nang pamalit. Pagkatapos, umalis na kayo.”
Walang imik na naglakad ako patungo sa silid ko sa itaas at saka kumuha ng damit ko. Nang bumaba ako, naabutan kong pinupunasan ni Aragon si Luna gamit ang jacket niya. So sweet. Hindi niya siguro alam na may sungay si Luna. Mas lalo lang akong naiirita kapag nakikita ko ang traydor na ngiti sa mga labi ni Luna sa tuwing titingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang. Naisahan na naman kita. Peste kayo!
Inihagis ko ang damit sa couch at padabog na umupo. “Now, leave.”
“Olive-”
“Kuya Aragon, please.” Pumikit ako kasabay ang paghinga ko nang malalim upang pigilan na kumawala ang galit sa loob ko. “Just leave...”
Ayokong magtalo kami sa walang kwentang bagay, lalo na sa walang kwentang si Luna. Hindi masisira ni Luna ang pagkakalapit namin ni Aragon, hindi ako papayag na kuhain niya sa akin ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. I'm not a quitter, and I especially don't give up. I get everything I want, and I keep trying until I get what I want. Kaya hindi ang katulad ni Luna ang magpapasuko sa akin. She’s nothing but a trash. Kunwaring anghel sa harap ng iba. Isa siyang mabahong plastic! Argh!
“Let’s go, Aragon.” Narinig ko na naman ang mahinahong boses ni Luna.
Tiningnan ko silang lahat. Ang mukha ni Dave ay hindi maipinta, samantalang ang kay Christian ay parang malalim ang iniisip habang si Aragon ay walang ekspresyon ang mukha at nang dumako ang tingin ko kay Luna, nakangisi ito sa akin na sinalubong ko nang pag-irap sa hangin.
Umiwas ako nang tingin kay Aragon bago ako tumayo at kunwaring may ginagawa sa mesa upang maiwasan ko sila. “Umalis na kayo.” Pagtataboy ko sa kanila na hindi lumilingon.
“Okay.” Aragon answered.
Narinig ko ang yabag ng mga paa nila bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.I stared at the door where Aragon and his friends left, feeling a wave of regret for doing something stupid. Aragon was probably mad at me because of what happened with Luna, and what if he didn't want to talk to me anymore? I shook my head. I knew I had to do something to make it up to him. I had to apologize, and I had to do it soon. No! Apologize? Bakit ako magpapakumbaba? Wala naman akong ginawang kasalanan, mas nauna si Luna, dapat siya ang humingi ng tawad sa akin. Hindi ako dapat mag-isip ng ganoon!
Damn you, Luna!
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga dito sa kama at nagmumukmok. Kinuha ko muli ang aking cellphone sa side table at tiningnan ang oras. 1:30 AM
Bumuntong-hininga ako at inilapag ang cellphone ko sa side table. Niyakap kong muli ang unan sa gilid ko at inisip na sina Mom at Dad iyon, binabantayan ako. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari pero kinakaya ko dahil nandiyan sina Ninang, Ninong, Tita Doris at Aragon, lalo na kay Aragon pero mukhang naitaboy ko siya kanina. Ginawa ko naman iyon dahil ayoko siyang masaktan pag ako ang nagsalita. Baka kung ano ang masabi ko.
I miss you, Mom and Dad. I don't know how long I will be able to hold it together without you here to support me. I don't know who I can lean on when I'm feeling lonely. I know that you are always with me in spirit, and I can feel your love even from miles away. I am so grateful for all the memories we have shared, and I will always carry them close to my heart. You both mean the world to me and I will never forget all that you have done for me. I just want you to know that you are both loved and missed.
***
KAKAUWI ko lang ngayon dito sa Province, ipinasundo ako ni Ninang. Nasa living room ako at nakaupo sa couch. Pumapasok pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon sa bahay. Hindi si Aragon ang nagsundo sa akin, hindi ko rin siya nakikita ngayon. Nasaan kaya siya? Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi dapat, hindi dapat ako dumipende sa kanya.
“Olive!” Rinig kong pagtawag ni Ninang sa akin mula sa kusina.
Napakurap-kurap ako dahil sa boses ni Ninang. Ang lalim kasi nang iniisip ko, nawala tuloy ako sa wisyo!
Damn you, Aragon!
I hastened to the kitchen, the tantalizing aroma of the food wafting through the air. It was so mouthwatering that I could almost taste it. Nang tuluyan akong makarating, nakita ko si Ninang na masayang nagluluto at kumakanta-kanta pa.
“Bakit po, Ninang?” Kapagkuwan ay tanong ko.
“Halika rito. Bilisan mo.”
Lumapit ako sa gawi ni Ninang. “Bakit po?” Tanong ko muli.
“Tikman mo itong niluluto ko.” Magiliw na sabi ni Ninang.
I peered into the pot to see what she was making, and my mouth started to water. Caldereta, my favorite dish, was bubbling away. Its delicious scent was drifting around the kitchen. Unable to resist, I grabbed a spoon and got ready to taste it. Naaalala ko si Yaya Lena. Nang mawala si Mom at Dad, lumuwas na siya patungo sa probinsya nila dahil iyon daw ang gusto ni Tita Doris.
“Magdahan-dahan ka, baka mapaso ka.” Paalala ni Ninang.
“Wow! Ang sarap, Ninang. Para po ba sa akin ‘to?” Masaya kong tanong kay Ninang.
“Of course.” Ninang answered quickly with a smile. “By the way, Hija. Bakit wala pa sina Aragon at ang mga kaibigan niya? Didn't he go to Manila to check on you? Akala ko ba, nanatili sila sa inyo buong magdamag?” Sunod-sunod na tanong ni Ninang.
Hindi ko alam ang isasagot ko! Alangan naman isagot kong pinalayas ko sila dahil kay Luna. Bahala sila sa buhay nila kung saang lupalop man sila ng mundo ngayon! I don’t care!
“Wala pa po sila?” Segundang tanong ko rin sabay kuha ulit ng sarsa ng Caldereta.
Akala ko ba, wala kang pake, Olive, huh?
“Wala. Inaasahan kong sabay-sabay kayo darating kaya marami akong niluto.” Wika ni Ninang bago ipinagpatuloy ang niluluto habang ako natahimik lang sa isang gilid at nakamasid sa pagluluto ni Ninang pero ang isip ko ay nasa kabilang planeta.