I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin.
Binuksan ko ang pinto ng silid na inuukupa ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Ninang Cherry sa akin. Pinalitan ko iyon ng pilit na ngiti. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang maging masaya pero kailangan.
“Good morning, Ninang.” Bati ko sa kalmadong boses habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at umaaktong kagigising lang.
“Olive. Sumabay ka na sa amin mag-breakfast sa baba.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ninang. “Kahit ngayon lang. Sabayan mo kami kumain.”
“Salamat, Ninang. Pero hindi pa ako gutom. Gusto ko pa matulog-”
“You're not sleeping. You've been up all night.” Pigil ni Ninang sa sasabihin ko. “Ang sabi mo sa amin last time, maayos ka na. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makatulog? Nananaginip ka pa rin ba?”
“I’m fine, Ninang.” Pinilit ko maging cheerful sa harapan ni Ninang. “Mamaya nga po ay magpapa-enroll na kami ni Kuya Aragon. Sasamahan daw niya ako.” Dagdag ko na hindi inaalis ang masayang aura sa aking mukha para makumbinsi ko siya na maayos ako.
Ninang let out a loud breath. “Okay. Basta, hindi mo kailangan umakto na masaya ka. I know how painful it is to lose your parents. And it's hard to deal with alone. Kaya, Olive, hindi mo kailangan magpanggap sa harapan namin.”
Mahina akong natawa. “I’m fine, Ninang. Promise, lasang kamatis.” Idinaan ko na lang sa biro si Ninang.
Ayoko kasing ipakitang mahina ako dahil alam kong naaapektuhan sila sa akin. Ayokong pagdating ng araw ay pagsawaan rin nila akong intindihin. Sila na lang ang meron ako sa ngayon. Si Tita Doris naman, ayaw niyang bumalik ako sa Maynila dahil maaalala ko lang daw si Mom at Dad. Sila na rin muna ang mamamahala sa kumpanya, kailangan ko muna magtapos ng pag-aaral bago ko hawakan ang mga iniwan ni Mom at Dad.
“Bilisan mo at bumaba ka na. Sumabay ka sa amin mag-breakfast.” Ulit ni Ninang at tinugunan ko iyon nang pagtango bago siya umalis.
Nang mawala sa paningin ko si Ninang, ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at tumitig sa kisame. Nahihilo ako dahil wala akong maayos na tulog. Hindi ako makatulog sapagkat natatakot ako. Palagi kong nakikita sa panaginip ko kung paano unti-unting nawalan ng hiningi ang mga magulang ko sa aking harapan. Hindi ko pa rin lubusan na tanggapin ang dahilan ng pagkamatay nila.
Muli akong tumayo sa pagkakahiga at may kinuha ako sa cabinet ko. Huminga ako nang malalim at saka ininom ang kulay pulang kapsul na gamot. I spent weeks researching possible sleeping pills that would work best for me. Hindi na kasi tumatalab ang ibang gamot sa akin.
“Para saan iyon?”
Napapitlag ako at dali-daling itinago ang gamot nang marinig ko ang boses ni Aragon.
“W-wala, vitamins lang .” Pagdadahilan ko habang nakatago sa likod ko ang gamot.
“Kanina ka pa hinihintay nila Mom and Dad sa baba.” Aniya. “Kaya dinalhan na lang kita dito sa kuwarto mo ng breakfast. Alam ko naman kasing hindi ka bababa.”
Inilapag ni Aragon ang tray na may lamang pagkain sa side table. Tiningnan ko lang ang bawat kilos niya at dahil abala siya sa pag-aayos ng pagkain ko sa mesa, kumuha ako ng tyempo upang itago ang gamot sa loob ng cabinet ko. At nang maitago ko iyon, naupo ako sa kama, sa harap ng table bed na inilagay ni Aragon.
“Salamat.” Sabi ko na nakangiti. “Kumain ka na ba?” Kapagkuwan ay tanong ko.
“Gusto mo bang sabayan kita?”
Tumango-tango ako. “Sige, para may kasabay akong kumain.”
“Okay, wait me here.” Pagkasabi ni Aragon niyon, lumabas siya ng silid ko para kumuha ng pagkain niya sa kusina.
Nang mawala si Mom and Dad, si Ninang at Ninong ang tumayong magulang ko. Si Aragon naman ay palaging nasa tabi ko para i-check ako. Ibang-iba siya sa Aragon na nakilala noong una. Aragon was kind and gentle. Whenever I was feeling down, he was always there to listen to me and give me a hug. I felt safe and secure with him around. He was always there for me and I can't thank him enough for the comfort and support he has shown me. Kinakaya ko ang sakit ng pagkawala ng mga magulang ko dahil sa kanila.
Bumalik na si Aragon at tulad ng sinabi niya. Sabay nga kaming kumain.
“Masarap pala kumain pag may kasabay.” Komento ko na ikinatingin ni Aragon sa akin.
“Then, from now on, I will eat with you.” Aragon said with a smile.
“Sige!” Magiliw kong sagot.
Kay Aragon lang ako nakakangiti nang totoong saya. Siguro kasi palagi siyang nandiyan kahit alam kong ayaw niya noon sa katulad ko. Sa kanya ko nailalabas ang totoong nararamdaman ko at kapag siya ang kasama ko, gumagaan ang pakiramdam ko.
THREE weeks later…
FIVE DAYS in Maynila nothing has happened in my life. Akala ko kapag bumalik ako may magbabago sa buhay ko, but sadly, to say, nothing has changed. I can't sleep peacefully any longer, and I feel like my life is slowly falling apart. I would often find myself sitting in my room thinking about the day my parents died and how I felt. I would often find myself reliving the memories of that day and feeling the same pain and sadness that I felt that day.
Ang mga mata nilang nangungusap at ang mga bibig nilang nakabuka na parang may gusto sabihin ay paulit-ulit nag-rerewind sa utak ko. Lumuluha sila, nakita ko ang mga luhang iyon at hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit sa tuwing ipapaalala ‘nun ang pagkamatay nila. Ayoko pa rin tanggapin na sila rin ang pumatay sa isa’t-isa.
Mag-isa akong bumalik ng Maynila dahil ang sabi ko kay Ninang at Ninong, gusto ko muna mapag-isa rito sa bahay namin kaya tinanggihan ko ang sinabi nilang isama ko si Aragon.
I'm sitting in the Cafeteria right now by myself. I'd like to be alone for a while.
Bukas rin ay babalik ako ng Province. Wala naman akong gagawin rito. Mas maaalala ko lang ang nangyari at mas lalo akong hindi magiging okay. Sinubukan ko lang naman bumalik rito sa pagbabakasakaling umayos na ang nararamdaman kong sakit.
Napabuntong-hininga ako ng tumunog ang cellphone ko.
Aragon calling...
Napangiti ako at saka sinagot ang tawag. “Hey, Kuya Aragon. Miss me?” I joked.
“No, I’m just checking you. to make sure you're feeling okay.” Aragon replied. “How are you feeling right now? Gumaan ba kahit pa paano?” Aragon asked.
I grunted and rolled my eyes. “Yes, I'm fine and I'm still breathing,” I said with a small smile. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita sa kabilang linya. “Thank you for asking.”
“Good. Anyways, don’t forget ang pasalubong mo sa akin.”
Mahina akong natawa sa tinuran ni Aragon. “Seryoso? Nasa Maynila lang ako. Wala ako sa ibang bansa.”
Malakas na natawa si Aragon, “By the way, kamusta ka diyan sa inyo? May pagbabago ba?”
Isinandal ko ang aking katawan sa kinauupuan ko at tumingin sa labas ng Cafe at pinagmasdan ang dumadaang mga sasakyan at mga tao sa kalsada na parang nakakalibang. “Wala masyado. Hindi pa rin ako makatulog kahit sa kuwarto ko.”
Aragon sighed. “Gusto mo ba, sunduin na kita diyan?”
Bumuntong-hininga ako at saka tumayo upang magbayad sa counter sabay labas ng Cafe. “Gusto ko muna mag-stay hanggang bukas rito. Malay mo, bukas pala maging maayos na ako at gustuhin kong manatili muli rito.”
“Are you sure?” Paninigurado ni Aragon.
“Yeah. I’m sure.”
“Okay.” Sagot niya. “If you need someone to talk to, call me.”
“Kahit hating gabi?”
“Oo, kahit anong oras.”
I smiled at what Aragon said because it made me feel better for a short time. Hearing his voice made me feel better, and I temporarily forgot the sadness and pain I felt. I knew that the only way to heal was to move forward, so I tried to be strong and take each day one step at a time.
“Salamat, Kuya Aragon.”
“You’re always welcome.” Sagot niya sa malambot na boses.
Mas lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ko. “Sige na Kuya Aragon. Babalik na ako sa bahay.”
“Take care.” Huli niyang sabi bago nag-call ended ang tawag.
Pagbalik na pagbalik ko sa bahay naghanda ako ng mga snacks at wine na iinumin ko para libangin ang sarili ko. At ngayon, nanood ako ng TV. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kahit anong gawin ko. Ayoko sanayin ang sarili ko na uminom ng sleeping pills. Gusto ko bumalik sa normal na kusa akong makakatulog. Kailangan bumalik ng buhay ko sa dating sigla kahit alam kong wala na akong babalikang masayang buhay kasama ang mga magulang ko.
I was focused on the TV when my cell phone that was on the center table rang. I quickly grabbed it and saw that it was Ninang Cherry on the other line.
“Good morning, Ninang. Napatawag po kayo?” Sagot ko sa kabilang linya habang sumisimsim ng Red wine sa basong hawak ko.
“Gising ka pa?” Bakas ang pinaghalong gulat at pag-aalala sa boses ni Ninang. “It’s already 3:00 AM, Olive.” Iyon ang lumabas sa bibig ni Ninang, imbis na batiin ako. “Bakit gising ka pa rin? Akala ko pa naman magiging maayos ka kung babalik ka diyan sa Maynila.”
“Ninang, ayos lang po ako. Maya-maya ay makakatulog rin ako.” Inubos ko ang lamang alak sa baso at saka nagsalin ulit ng Red wine at kinuha ang snacks ko. “Ninang, wala kayong dapat ipag-alala kasi maayos ang kalagayan ko rito.”
“Sigurado ka?” May pag-aalangan sa boses ni Ninang na parang ayaw maniwala.
“Opo.” Kaagad na sagot ko.
“Good. Kung hindi ka makatulog pwede mo akong tawagan. Sabay tayo magpuyat.”
I chuckled and sipped the sweet, Red wine from my glass I was holding, enjoying the taste and aroma.“Ninang, hindi na po kailangan. Ayos lang talaga ako.”
“Okay, okay. Good night sa’yo. Matulog ka na.”
“Good night, Ninang.”
Nang mawala si Ninang sa kabilang linya, kumain ako nang kumain ng snacks na nasa platito. Wala pang ilang minuto nang mag-ingay muli ang aking cellphone. Ayoko sana sagutin pero nakakailang tawag na ang nasa kabilang linya. Hays! Paano ako matutulog nito?
It was Aragon.
Mabilis kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
“Where are you?” Bungad ni Kuya Aragon sa kabilang linya. “Nakatulog ka ba-”
“I can’t sleep.” Putol ko sa iba pang sasabihin ni Aragon.
Natahimik ang nasa kabilang linya. Kapagkuwan ay walang imik na pinatayan ako ng tawag kaya napabuntong-hininga ako at saka napailing-iling. Akala ko pa naman kaya siya tumawag ay para libangin ako at kamustahin. Pinatayan niya ako nang tawag without saying goodbye. Itinapon ko ang cellphone ko sa gilid ko kung saan ako nakaupo at ibinalik ang atensyon ko sa pinapanood kong pelikula. Pero wala naman ang isip ko sa pinapanood ko. f**k!
“Bakit niya ba ako pinatayan?” Wala sa sariling tanong ko. “Argh! Akala ko pa naman-”
Pagkalipas ng ilang minuto, natigilan ako nang marinig ang pag-iingay ng doorbell sa labas ng gate namin. Sino naman ang dadalaw sa akin nang ganitong oras? Sa pag-aakalang si Tita Doris iyon, nilabas ko ang nag-iingay sa doorbell at nang maaninag ko ang mukha ni Aragon, nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya nag-iisa, may mga kasama siya.
“Hey, Olive. Open the gate.” Utos ni Aragon.
Anong ginagawa nila dito?
Naguguluhan man ay pinagbuksan ko ang mga ito ng gate at mabilis na dumako ang mga mata ko sa babaeng nakasama namin noon sa Cafeteria. Kung hindi ako nagkakamali, Luna ang pangalan ng babaeng ito. At ang dalawang lalaki ay sina Christian at Dave, buti matulis ang memorya ko. Ang weird lang, ano bang nakain ng mga ito at nagpunta sila rito?
“Anong ginagawa ninyo dito?” Tanong ko kay Aragon nang mabuksan ko ang gate.
Mag-aassume ba ako na nandito siya para sa akin?
“Galing kami sa Field trip. Napadaan kami dito.” Sagot niya at dumiretso sa loob ng bahay.
Assuming nga ako.
“Hello, Olive.” Bati ni Dave sabay wave ng kamay niya sa akin na pinalitan ko nang pagtango.
“Hi, nice to meet you, again, Olive.” Bati ni Luna na palaging nakadikit kay Aragon.
Bakit ba ako naiirita sa kanya? Para kasi siyang linta, e.
Ayoko sa mga ngiti niyang parang peke rin at pakiramdam ko hindi maganda ang ugali niya. Kalahi ko ‘yata siya kaya naaamoy ko. Sa isang tingin pa lang, alam ko na kung sino ang totoo at hindi kaya huwag niya akong linlangin.
“Ang layo naman ng Field Trip ninyo. Maynila pa.” Komento ko.
“Ayaw mo ba kami dito?” Segunda ng nagngangalang Christian.
I smiled at Christian, “No, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nagtataka lang ako.”
“Where is the kitchen?” Segundang tanong ni Aragon.
Nilingon ko si Aragon at nakita ko ang bitbit niyang supot na may lamang pagkain. Naaamoy ko kasi ang dala niya kaya nalaman kong pagkain iyon at paborito ko. Spicy Mami noodles iyon.
“Diretso ka lang diyan.” Itinuro ko kung saan banda ang kusina.
“Okay.” Anang boses ni Aragon na dumaan sa gitna ng sala at dumiretso sa kusina.
Pagbalik ni Aragon sumenyas siya sa akin na kuhain ko ang dala-dala niyang mga pinggan at kutsara upang ilagay iyon sa center table na kaagad rin naman akong tumalima. Dito sila kakain? Ano ba kasing trip ni Aragon at ng mga kaibigan niya? Dumaan ba sila rito para lang kumain?
Inutusan naman niyang magsalin ng kape sa mga mug si Christian habang si Dave ay inihahanda ang mga prutas sa center table. Naguguluhan na talaga ako sa ikinikilos nila.